2 Koreanong nakatakas muling nahuli sa Tarlac | Bandera

2 Koreanong nakatakas muling nahuli sa Tarlac

- May 30, 2017 - 03:51 PM

 

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) ang muling pagkakaaresto sa Tarlac ng dalawang Koreano na nakatakas mula sa kanilang kulungan tatlong buwan na ang nakakaraan.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nahuli muli ang dalawang pumugang banyaga noong Sabado matapos ang pinagsamang operasyon ng mga ahente ng BI intelligence division at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Kinilala ang mga naarestong Koreano na sina Park Wangyeol, at Jung Jaeyul, kapwa 38-anyos.
Nakatakas ang dalawang Koreano mula sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig noong Marso 6.
Idinagdag ni Morente ilang impormante ang tumulong para maaresto ang mga suspek matapos ang isinagawang raid sa kanilang apartment sa Macabulos st., Barangay San Pablo, Tarlac City.
“I have instructed our deportation unit to immediate arranged their flight back to Korea so they can be tried and punished for their crimes,” sabbi ni Morente.
Sinabi ng mga otoridad na sangkot sina Park at Jung sa sindikato na sangkot sa gun-for-hire at swindling activities na ang binibiktima ay mga kaparehong Koreano na nasa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending