Mindanao Children's Games sa Davao City tuloy | Bandera

Mindanao Children’s Games sa Davao City tuloy

Dennis Christian Hilanga - , May 24, 2017 - 08:28 PM
psiSINABI ni Philippine Sports Commission chair Butch Ramirez Miyerkules na tuloy ang pagsisimula ng Mindanao Children’s Games Huwebes sa Rizal Park ng Davao City sa kabila ng kaguluhan sa Marawi na naglagay sa lungsod Davao sa ilalim ng mahigpit na seguridad.   “In the midst of global terrorism, national terrorism like the Marawi case, the more I am focused on using sports as a vehicle for peace,’’ saad ni Ramirez sa panayam ng Inquirer.
  “I know it can be dangerous, but again we will always be guided by the local leadership and the police if we can continue or not,’’ dagdag pa ng PSC chief na pasimuno ng Sports For Peace program ng pamahalaan.
  Mga out-of-school youth at mga mag-aaral edad 12 pababa ang maglalaro sa iba’t-ibang klaseng sports sa three-day sportsfest.   Inanunsyo rin ni Ramirez na dadalhin ng PSC ang Children’s Games sa Cordileras, Visayas at ibang bahagi ng Mindanao na naapektuhan ng giyera.   Inihayag ni Davao City mayor Sarah Duterte na ang nasabing palaro ay masusunod tulad ng nakaplano subalit mariing nagpaalala na ang lahat ng aktibidad ay gagawin lamang sa umaga, hapon at hindi maaaring abutin ng dilim.   Samantala, kinansela ni Ramirez ang ginaganap na Philippine Sports Institute activity sa Marawi City kasunod nang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao matapos ang pag-atake ng Maute Group sa lugar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending