HINDI maibibigay ngayong taon ang dagdag na P1,000 sa mga pensyonado ng Social Security System. Ayon kay SSS president Emmanuel Dooc bagamat malaki ang kinita ng SSS noong 2018 ay hindi maibibigay ang dagdag na pensyon. Kung susuwertihin ay maibibigay na umano ito sa 2020. Kung hindi ay tiyak na maibibigay na ito sa 2022. […]
WAGI muli ang Pinay beauty sa isang international pageant. Magandang buwena mano ngayong 2019 ang pagkakapanalo ni Francesca Taruc ng Angeles City, Pampanga sa katatapos lang na Miss Tourism World 2019 Intercontinental. Ginanap ang grand coronation nito kahapon sa Nanjing, China. Bukod sa titulo at korona napanalunan din ni Taruc ang “Best Body” award matapos […]
NAKAKA-PROUD naman ang Fil-Am actor na si Darren Criss na siyang nag-uwi ng Best Performance by an Actor in a Limited Series for his role bilang Andrew Cunanan (na isa ring half-Pinoy), sa The Assassination of Giannie Versace: American Crime Story sa katatapos lang na Golden Globe Awards. Nakakatuwa si Darren hindi lang dahil siya […]
BILANG miyembro ng LGBTQ community, naglabas ng sama ng loob ang former PBB housemate na si Fifth Solomon tungkol sa unfair treatment sa mga bading, kabilang na ang pamimilit sa isang lalaki na aminin ang kanyang tunay na gender. Unang nakilala si Fifth sa PBB: All In noong 2014 at naging kontrobersyal nang amining isa […]
RATSADA ang Regal Entertainment sa pagpapasilip ng teaser at trailer ng upcoming movies nila this 2019. Unang inilabas ang trailer ng “Elise” nina Janine Gutierrez at Enchong Dee na sa Feb. 6 ang playdate. Then, ‘yung “Time & Again” nina Wyn Marquez at Enzo Pineda. Isasalang na rin ang launching movie ng rock singer at […]
KUWARENTA’Y dos anyos na si Piolo Pascual sa January 12. Natural, binigyan ng importansiya ng ASAP Natin ‘To ang nineteen years nang bahagi ng Sunday show, nag-duet sila ni Regine Velasquez. Siyempre, kailangang tanungin ang nagdiriwang ng kaarawan kung ano ang birthday wish niya, pero nagpasakalye na ang Asia’s Songbird, “Ano ba ang New Year’s […]
NAGPIYESTA ang bashers ni Alden Something when one Twitter handler posted a screengrab of the actor’s Facebook account kung saan nagpalit siya ng profile photo. “Just saw this on FB. Bakit may screenshot ka ni Brent sa mobile mo? @aldenrichards02 nagkamali ka pa ng palit. Hahahahaha,” tweet ni @bttrht000. Marami ang nag-react sa nasabing posts, […]
KASABAY ng selebrasyon ng Three Kings ang muling pagbibigay ng thanksgiving party for the entertainment press ng Pambansang Bae na si Alden Richards na ilang taon na rin niyang ginagawa. Isa na lamang si Alden sa mangilan-ngilang artista na consistent sa mga pagpapahalaga at pagpapasalamat sa mga kaibigan niya sa press. Kumpara sa ilang celebrties […]
PAGKATAPOS ng presscon ni Kris Aquino nitong nakaraang Sabado ay kinumusta namin siya kung kumusta ang bakasyon nila sa Tokyo, Japan. Doon siya nag-Pasko at Bagong Taon kasama ang dalawang anak at ilang staff ng KCA Productions. Tuwang-tuwang ikinuwento ni Kris na marami siyang nabiling sweater sa Tokyo dahil sobrang mura. ‘Yung P5,000 na mabibili […]