Kris ayaw maging dyowa si Atty. Gideon, wish magka-bf ng doktor | Bandera

Kris ayaw maging dyowa si Atty. Gideon, wish magka-bf ng doktor

Reggee Bonoan |January 09,2019
facebook
share this

Kris ayaw maging dyowa si Atty. Gideon, wish magka-bf ng doktor

Reggee Bonoan - January 09, 2019 - 12:15 AM

KRIS AQUINO AT GIDEON PEÑA

PAGKATAPOS ng presscon ni Kris Aquino nitong nakaraang Sabado ay kinumusta namin siya kung kumusta ang bakasyon nila sa Tokyo, Japan. Doon siya nag-Pasko at Bagong Taon kasama ang dalawang anak at ilang staff ng KCA Productions.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Kris na marami siyang nabiling sweater sa Tokyo dahil sobrang mura. ‘Yung P5,000 na mabibili rito ay nabili lang niya ng P1,360.

Sa madaling salita, pinakyaw niya ang lahat ng sweaters sa pinuntahang store. At dito nga niya ikinuwento na tila nairita sa kanya ang kaibigang si Atty. Gideon Peña na nakasama rin nila sa Japan bilang part na rin ito ng KCA Productions.

Natatawang sabi ni Kris, “I think kaya nagalit na si Attorney Gid (Gideon) kasi siya naman ‘yung namili, ako kasi ‘yung nagre-rest kasi ang ginaw that day, 2 degrees. So, siguro nabwisit siya sa rami ng binuhat niya!

“Siguro naisip niya, ‘lawyer ako, mayaman kami sa Bicol tapos pinagbuhat ako ng babaeng ‘to,” natatawang chika ng Social Media Queen.

May kasama raw sila sa grupong nakakaintindi ng Nihongo, “She understands Japanese, so inaapura niya, siyempre a sale is a sale and cashmere (sweater), ganu’n ang presyo. Sa kanila pala ang big deal (sale) January 1 to 20, ‘yun ang sale lahat kaya na-shock ako.

“At siguro nairita rin si Attorney sa akin kasi nga lahat sila (KCAP team) walang ginawa kundi i-text siya ng, ‘kumain ba, okay ba?’ Siguro sabi niya, ‘lawyer ako, hindi ako doctor, or nurse!’

“Tapos siguro (nainis) kasi mayroon siyang mga listahan at picture ng mga gamot na kailangang ipainom at this time, siguro na-annoy na siya,” masaya pa ring tsika ni Kris sa kabila ng mga dinaramdam na sakit.

Maituturing nga bang mighty warrior si Atty. Gideon, “Ewan ko, sinungitan na niya kasi ako last week. Hindi naman siguro sa akin, kasi napagalitan siya nina RB (Changco) na meron akong nakitang friend doon na ayokong pangalanan baka maintriga pa.

“Niyaya lang ako, him and his wife para magmeryenda, e, hindi ako nag-text to anybody, so lahat sila (nagulat), so napagalitan siya (Gideon), tinalakan nila, ‘bakit mo hinayaang mag-isa baka mawala?’ E, doon lang naman ako sa lobby ng hotel, nagtsaa lang ako.

“Tapos siguro feeling niya sa edad niyang ‘yun, mawawala ba ‘yan?’ Siguro hindi naman siya sa akin naasar, nakulitan siya sa kakulitan nilang lahat (KCA team),” kuwento pa ni Kris.

Sa kabilang banda ay sobrang pinuri ni Krissy si Atty. Gideon, “He’s really a good person. He and kuya Josh were roomates so talagang nagkasundo sila. Kasi sinasabihan siya ni kuya ng, ‘Attorney let’s sleep na’ or turn off the lights na sila. Tapos, ‘attorney, let’s have breakfast na’, o baba na sila.”

Kinlaro ni Kris na hindi sila magiging partner ni Atty. Gideon dahil masyado itong bata at ang hinahanap ngayon ng Queen of Online World ay, “Allergy specialist, rheumatoids specialist, immunology specialist, cardiologist or neurologist, so doctor siya.”

Nasa Singapore na ngayon si Krissy para sa dalawang linggong medical check up.

q q q

Sa bago namang Instagram post ni Kris, inilahad nito na umabot sa P40 million worth of investments para kina Joshua at Bimby ang sangkot sa diumano’y panloloko sa kanya ng dating business manager.

“Allow me to clarify the financial issue, I asked for an accounting of P40M invested for my sons, and financial reports for our 12 Potato Corner+Nacho Bimby branches and my lawyers & i were ignored,” pahayag ni Kris.

Pagpapatuloy pa niya, “The lawyer of my former manager’s MENTOR had contacted Dean Nilo Divina today and asked if the 2 of them could talk about a settlement.

“To him i say, ‘Maswerte ka, there’s a man who sees you as his own son.’ I believe this was out of his own volition, and my respect for that man’s integrity grew even more.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi nya kadugo pero tinaya nya ang reputasyon nya. To that man i say, on hindsight, had you and my Ate only spoken in September, we’d have had peace,” pagtatapos ng Queen of All Media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending