Alden ibang-iba sa mayayamang celeb na may 'amnesia' | Bandera

Alden ibang-iba sa mayayamang celeb na may ‘amnesia’

Ambet Nabus |January 09,2019
facebook
share this

Alden ibang-iba sa mayayamang celeb na may ‘amnesia’

Ambet Nabus - January 09, 2019 - 12:20 AM


KASABAY ng selebrasyon ng Three Kings ang muling pagbibigay ng thanksgiving party for the entertainment press ng Pambansang Bae na si Alden Richards na ilang taon na rin niyang ginagawa.

Isa na lamang si Alden sa mangilan-ngilang artista na consistent sa mga pagpapahalaga at pagpapasalamat sa mga kaibigan niya sa press.

Kumpara sa ilang celebrties na madalas magpaandar ng kanilang mga yaman sa social media either by showing their grand trips abroad and the like, malaki ang pagkakaiba sa kanila ni Alden dahil sobra pa rin niyang ina-acknowledge ang halaga ng mga manunulat sa kanyang buhay at career.

No wonder he is so blessed pa rin at patuloy na gumaganda ang buhay at karera. Yung iba na mas sikat o higit na limpak-limpak ang naisusubing yaman kumpara sa kanya, ay tila nagkakaroon ng amnesia kapag pagpapasalamat na sa media ang pinag-uusapan.

Kaya kay Alden, just continue to be a blessing sa ibang tao. Mahal ka namin hindi dahil sa mga regalong ibinibigay mo kundi sa kaukulang respeto at pagkilala sa munting naitutulong namin sa career mo!

Tao lang din naman si Tony na nagkakamali kaya patawarin n’yo na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending