MARAMI kaming ballpen sa bahay. Mas marami pa yata kesa sa mga tinidor at kutsara namin. Kung bakit ‘yun dumami nang dumami ay may malalim na kuwentong pinagmulan. Nagtapos sa elementarya ang bunso naming si Bulaklak Mandela nu’ng Sabado nang hapon sa Saint Mary’s Angels College Of Valenzuela. Sinamahan namin sa entablado ang aming bunso, […]
ILANG beses nang napatunayan ni Nadine Lustre kung gaano siya kamahal ng kanyang boyfriend na si James Reid. Isa na nga rito noong panahong nagdadalamhati ang Kapamilya actress sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Isaiah Lustre taong 2017. Ilang buwan makalipas mailibing si Isaiah ay nagbakasyon ang magdyowa at ilang malalapit na kaibigan sa […]
WUSHU international champion pala si Janice Hung o mas kilala bilang si Captain Alex Noblejas ng The General’s Daughter. Isa siya sa mga tumutugis kay Lt. Rhian Bonifacio na ginagampanan ng Action-Drama Queen na si Angel Locsin. Nang mapanood namin ang bakbakan nina Angel at Janice sa TGD ay nasabi na-ming pwedeng-pwede rin ang una […]
DINALAW sa bahay ni Dimples Romana ang kanyang nanay-nanayan na si Sylvia Sanchez na nakasama niya sa seryeng The Greatest Love. Ibinahagi ni Ibyang sa kanyang Instagram account ang mga litrato nila ni Dimples kasama ang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde. “Kinikilig ako. Haha. Napapaligiran ako ng mga batang magagaling umarte. I’m […]
SA VILLAMOR Air Base —home to retired soldiers and their families—idinaos ang caucus nitong April 28, Sunday, ni Chet Cuneta at ng kanyang mga ka-ticket. Known to many, ang kuya ni Sharon Cuneta ay tumatakbong alkalde sa Pasay City in his bid to reclaim this southern part of Metro Manila na sa matagal na panahon […]
PATULOY sa pagiging numero uno sa mga puso ng maraming Pilipino nitong Abril ang mga makabuluhang balita at programang kapupulutan ng aral mula sa ABS-CBN matapos magtala ng average audience share na 46%, ayon sa datos ng Kantar Media. Hindi pa rin natitinag bilang pinakapinanonood na programa nationwide ang FPJ’s Ang Probinsyano (38.5%) ni Coco […]
ARESTADO ang 10 katao na diumano’y bumibili ng boto, habang halos P160,000 cash at sari-saring election paraphernalia ang nasamsam, sa Bacoor City, Cavite, Sabado ng gabi. Kabilang sa mga naaresto ang isang Teresita Marjes, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Isinagawa ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group t Provincial Intelligence […]
NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:56 ng umaga. Ang epicenter nito ay 81 kilometro sa silangan ng Cagwait. May lalim itong 28 kilometro. Inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershock ang pagyanig na ito. Alas-6:32 ng umaga ay […]
ITINAAS ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon ngayong araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology mula noong Sabado hanggang kahapon ay nakapagtala ito ng mga seismic activity sa bulkan. Umabot sa 16 na volcanic earthquakes ang naitala ng seismic monitoring network sa lugar. Mayroon din umanong nakitang pamamaga sa ibabaw […]
WALA pa ring tugon ang Bureau of Internal Revenue sa panawagan ng mga guro na huwag patawan ng buwis ang ibabayad sa mga guro na magsisilbi sa 2019 elections. Ayon sa Alliance of Concerned Teacher hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay ng BIR ang refund para sa mga guro na hindi dapat pinatawan ng […]