Sylvia na-touch kay Dimples: Parang gusto kong sumigaw ng 5-4-3-2-1 action!
DINALAW sa bahay ni Dimples Romana ang kanyang nanay-nanayan na si Sylvia Sanchez na nakasama niya sa seryeng The Greatest Love.
Ibinahagi ni Ibyang sa kanyang Instagram account ang mga litrato nila ni Dimples kasama ang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde.
“Kinikilig ako. Haha. Napapaligiran ako ng mga batang magagaling umarte. I’m a fan of good actors!!! Parang gusto kong sumigaw ng 5 4 3 2 1 action [sic],” caption ng aktres sa kanyang IG photos.
Nagpasalamat din si Ibyang kay Dimples dahil talagang hindi ito nakakalimot kahit na matagal na silang hindi nagkikita.
“Salamat sa pagbisita nak [Dimples]. Namiss talaga kita sobra. … Dito lang ako lagi my Amanda. Love [you] so much [sic]” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.