INDIANAPOLIS — Kinamada nina Luis Scola, Donald Sloan at Lance Stephenson ang lahat ng puntos sa mahalagang 12-2 ratsada para mapigilan ang huling arangkada ng Chicago Bulls at tulungan ang Indiana Pacers na manatiling walang talo sa pamamagitan ng 97-80 pagwawagi sa kanilang NBA game kahapon. Ito naman ang unang pagkakataon na ang Pacers ay […]
TORONTO — Umiskor si Miami forward LeBron James ng season-high 35 puntos para pamunuan ang Heat sa 104-95 pagwawagi laban sa Toronto Raptors sa kanilang NBA game kahapon. Nagtala rin si James ng season-high na walong rebounds at walong assists para sa Miami na nakagawa ng mahigit 100 puntos sa ikalimang sunod na laro para […]
MIAMI — Sa panahon ni LeBron James ay bibihira lamang na magkamit ng dikit na kabiguan ang Miami Heat. Pero nitong huling dalawang laban ng Heat ay tinisod sila ng Philadelphia 76ers at Brooklyn Nets. Kahapon ay napigilan ng Heat na lumawig sa tatlo ang kanilang losing skid matapos nilang talunin ang wala pang panalong […]
NEW YORK — Umiskor sina Paul Pierce at Joe Johnson ng tig-19 puntos para tulungan ang Brooklyn Nets na tapusin ang ilang taon ng kabiguan sa kamay ng Miami Heat matapos nilang maungusan ang NBA champions, 101-100, kahapon. Kapwa nagbuslo sina Pierce at Johnson ng dalawang free throws sa mga huling segundo ng laro para […]
DALAWANG beses na nagmintis si Carmelo Anthony at dalawang beses ding nakuha ni Tyson Chandler ang offensive rebound sa huling 11 segundo ng laban pero naitakas pa rin ng Chicago Bulls ang 82-81 panalo kontra New York Knicks kahapon sa NBA. Tabla ang iskor sa 80-all nang pumalya ang tira ni Anthony mula 21 feet. […]
MIAMI — Umiskor ng 17 puntos si LeBron James at naibuslo ni Shane Battier ang lahat ng apat na tira niya mula sa 3-point area para pangunahan ang defending NBA champion Miami Heat sa 107-95 panalo kontra Chicago Bulls sa pagbubukas ng 2013-14 season ng National Basketball Association kahapon. Nilamatan din ng Heat ang pagbabalik […]
MAGBABALIK-AKSYON ngayong umaga ang National Basketball Association tampok ang tatlong laro. Unang magsasagupa ang Orlando Magic at Indiana Pacers habang magtutuos naman ang Chicago Bulls at nagdedepensang kampeong Miami Heat. Sa huling laro ngayon ay bubuksan ng Lakers at Clippers ang labanan ng dalawang koponan ng Los Angeles. Tampok sa mga kaganapan ngayon ay ang […]
ANG nakuhang majority decision win ni Floyd Mayweather Jr. laban sa batang si Saul “Canelo” Alvarez ang siyang naging kagulat-gulat sa tagisan ng dalawang boksingero kahapon sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas, Nevada, USA. Mula sa first round hanggang sa 12th round ay hindi nilubayan ng matitinding kamao ni Mayweather si Alvarez para sirain […]
LONDON — Natapos ang 77-taong paghihintay ng Great Britain na magkaroon ng men’s champion sa Wimbledon kahapon matapos na tanghaling kampeon si Andy Murray. Sinabayan ng maingay na pagsigaw at palakpakan sa bawat laro, tinalo ni Murray sa isang dikdikang finals match si Novak Djokovic sa harap ng 15,000 manonood na nasa Centre Court ng […]
TULUYAN ng iniwan ni Dwight Howard ang Los Angeles Lakers matapos ang nakakadismayang season para lumipat sa Houston Rockets at makasama ang kapwa All-Star na si James Harden sa hangarin nitong makakuha ng NBA title. “I’ve decided to become a member of the Houston Rockets. I feel (it’s) the best place for me and I […]
LONDON — Matapos na maagang nalaglag ang 12-time Grand Slam champion na si Rafael Nadal ng Spain sa unang round ng 2013 Wimbledon tournament noong Martes ay nagsunuran naman ang iba pang sikat na manlalaro ng tennis. Kahapon sa second round ng torneo ay natalo sina Roger Federer ng Switzerland at Maria Sharapova ng Russia. […]