NBA AARANGKADA NA | Bandera

NBA AARANGKADA NA

Frederick Nasiad - , October 30, 2013 - 03:01 AM

MAGBABALIK-AKSYON ngayong umaga ang National Basketball Association tampok ang tatlong laro.

Unang magsasagupa ang Orlando Magic at Indiana Pacers habang magtutuos naman ang Chicago Bulls at nagdedepensang kampeong Miami Heat. Sa huling laro ngayon ay bubuksan ng Lakers at Clippers ang labanan ng dalawang koponan ng Los Angeles.

Tampok sa mga kaganapan ngayon ay ang pagbubukas ng kampanya ng Heat para sa kanilang ikatlong sunod na kampeonato. Makakasagupa ng “Big Three” ng Miami na sina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh ang tropa ni dating Most Valuable Player Derrick Rose na magbabalik matapos na di makapaglaro sa kabuuan ng 2012-13 season bunga ng injury.

Makakaagapay ni Rose ang iba pang pambato ng Bulls na sina Carlos Boozer, Joakim Noah, Kirk Hinrich at Luol Deng.
Wala na sa Lakers ngayon ang dalawa sa top players nila noong isang taon.

Lumipat na sa Houston Rockets ang All-Star center na si Dwight Howard habang nagpapagaling naman sa injury si Kobe Bryant.

Sasandig ang Lakers ngayon kina Pau Gasol, Chris Kaman, Nick Young at 39-anyos na si Steve Nash na siyang pinakamatandang active NBA player sa season na ito.

Tiyak na mapapalaban ang Lakers sa nagpalakas na Clippers na pinangungunahan nina Chris Paul, Blake Griffin, Matt Barnes at DeAndre Jordan. Nadagdag naman sa koponan ngayon sina JJ Redick, Jared Dudley, Antawn Jamison at point guard Darren Collison.

May bagong head coach din ang Clippers sa katauhan ni dating Celtics mentor Doc Rivers.

Hindi naman magpapahuli ang Pacers na naglaro ng preseason game kontra Rockets sa MOA Arena, Pasay City  nitong Oktubre 10.

Ang Pacers ay sasandig kina Paul George, Roy  Hibbert, George Hill at David West.

Makakasagupa nila ang bagong mukhang Magic na pinamumunuan ngayon nina 7-foot center Nikola Vucevic shooting guard na si Arron Afflalo at second overall pick ng 2013 Rookie Draft na si Victor Oladipo.

May mga malalaking pagbabago naman ang NBA umpisa sa taong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dating home-and-away format ng NBA Finals na 2-3-2 ay papalitan na ng 2-2-1-1-1.

Ang matagal nang nagsilbi bilang NBA commissioner na si David Stern ay papalitan na ni Adam Silver sa Pebrero 1, eksaktong 30 taon mula nang maupo si Stern bilang tagapamahala ng liga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending