LONDON — Matapos na maagang nalaglag ang 12-time Grand Slam champion na si Rafael Nadal ng Spain sa unang round ng 2013 Wimbledon tournament noong Martes ay nagsunuran naman ang iba pang sikat na manlalaro ng tennis.
Kahapon sa second round ng torneo ay natalo sina Roger Federer ng Switzerland at Maria Sharapova ng Russia.
Ito ang pinakamaagang ‘exit’ para kay Federer dito sa Wimbledon. Naputol din sa 36 ang streak niya na makarating man lang sa quarterfinal round sa mga torneong kanyang nilahukan.
Kahapon ay binigo siya ng 116th-ranked na si Sergiy Stakhovsky, 6-7 (5), 7-6 (5), 7-5, 7-6 (5).
Ang four-time major champion na si Sharapova naman ay tinalo ng qualifier na si Michelle Larcher de Brito ng Portugal, 6-3, 6-4.
Pitong manlalaro naman ang nagtamo ng injury at nag-withdraw kahapon kabilang ang No. 2 seed na si Victoria Azarenka ng Belarus at No. 6 seed Jo-Wilfried Tsonga ng France. — AP
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.