BULLS taob sa HEAT | Bandera

BULLS taob sa HEAT

- October 30, 2013 - 08:39 PM

MIAMI — Umiskor ng 17 puntos si LeBron James at naibuslo ni Shane Battier ang lahat ng apat na tira niya mula sa 3-point area para pangunahan ang defending NBA champion Miami Heat sa 107-95 panalo kontra Chicago Bulls sa pagbubukas ng 2013-14 season ng National Basketball Association kahapon.

Nilamatan din ng Heat ang pagbabalik ni Bulls point guard Derrick Rose, ang dating Most Valuable Player ng liga, mula sa mahigit isang taong pagpapahinga sanhi ng injury sa tuhod.

Sa isa pang opening day match, ginulat ng Los Angeles Lakers ang karibal nitong Los Angeles Clippers, 97-87, kahit pa hindi nakapaglaro ang All-Star player nitong si Kobe Bryant bunga rin ng injury.

Sinira rin ng Lakers ang coaching debut ni dating Boston Celtics mentor Doc Rivers para sa Clippers.Samantala, tinisod naman ng Indiana Pacers ang Orlando Magic, 97-87, bilang umpisa ng kampanya nitong makabalik sa Eastern Conference finals kung saan pinahirapan nila ang Heat sa nagdaang NBA Playoffs.

Gumawa naman ng 16 puntos si Chris Bosh para sa Miami habang si Battier ay nagtapos na may 14 puntos mula sa bench.
Umiskor naman ng game-high 31 puntos si Carlos Boozer para sa Chicago na humugot din ng 20 puntos mula kay Jimmy Butler at 12 puntos sa 4-of-15 mula kay Rose.

Bukod kay Bryant, hindi rin nakasama ng Lakers ngayon ang dati nilang sentrong si Dwight Howard na lumipat na ng Houston Rockets.

Ngunit hindi ito ininda ng koponan dahil nagtulung-tulong ang bench nito para makuha ang unang panalo ng season.
Limang reserves ng Lakers ang umiskor ng double figures sa pangunguna ni Xavier Henry na may career-high 22 puntos at Jordan Farmar na may 16.

May double-double naman ang starting center ng Lakers na si Pau Gasol sa nakolekta niyang 15 puntos, 13 rebounds at apat na assists.

Ang Clippers ay pinangunahan nina DeAndre Jordan na may 17 puntos, 11 rebounds at tatlong shot blocks at Chris Paul na may 15 puntos, 11 assists at limang steals.

Nagpakita naman ng matinding depensa ang Pacers sa panalo nito sa Magic. Sa 18 shot blocks na naitala ng buong koponan, pito rito ay galing kay Roy Hibbert at lima ang galing kay David West.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa opensa naman ay tumira ng 24 puntos si Paul George para sa Indiana. Ang Orlando ay pinangunahan ni Andrew Nicholson na may 18 puntos mula sa 8-of-10 shooting.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending