March 2020 | Page 61 of 95 | Bandera

March, 2020

Kasal nina Richard at Sarah kanselado na dahil sa COVID-19

NAGDESISYON na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na ikansela muna ang nakatakda nilang wedding sa darating na Sabado, March 14. Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mensahe si Richard para ipaalam sa lahat ng kanilang mga kapamilya at kaibigan na postponed muna ang kasal nila ni Sarah nang dahil sa lumalalang COVID-19 outbreak sa […]

NBA sinuspindi ang mga laro

  SINUSPINDI ng National Basketball Association (NBA) ang lahat ng mga laro nito ngayong season matapos na ang isang manlalaro ng Utah Jazz player ay magpositibo sa preliminarily testing sa coronavirus Huwebes (PH time). Ang resulta ng nasabing test ay inilabas bago mag-umpisa ang laro ng Utah Jazz kontra Thunder sa Oklahoma City. Sinabi naman […]

Babala sa sangkot sa hoarding: 15 taong kulong at P2M multa

PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease. Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay maaaring […]

P61.2M shabu nasabat sa QC

ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng aabot sa P61.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, Miyerkules ng hapon. Nadakip si Mark Anthony Carlos, alyas “Ton-Ton,” 28, residente ng San Miguel, Bulacan, ayon kay Brig. Gen. Romeo Caramat, direktor ng PNP Drug Enforcement Group (DEG). Isinagawa ng mga tauhan ng […]

Prenup agreement: Ang akin ay akin

MAARI ba “ang akin ay akin” sa mga ari-arian ng mag asawa? Marami sa mga binata at dalaga, lalong-lalo na sa mga millennial, na nagbabalak magpakasal na ayaw masakop ng system of absolute community of property o yung “ang sa’yo ay akin at ang akin ay sa’yo” na pinaiiral ng ating Family Code. Isa na […]

Panlimang kaso ng COVID-19 naitala sa Quezon City

KINUMPIRMA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isang 26-anyos na lalaki ang panlimang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City. “Sa ngayon po, lima na po. Lima ang amin pong positive,” sabi ni Belmonte sa panayam ng dzMM. “Itong panlima, nakakagulat dahil napakabata, 26 years old,” dagdag ni Belmonte. Idinagdag ni Belmonte na […]

Duterte susuriin sa COVID-19

KINUMPIRMA ng Palasyo na isasailalim sa pagsusuri sa coronavirus diseases (COVID-19) si Pangulong Duterte matapos namang makasalamuha ang ilang opisyal ng Gabinete na nakaharap ang isa sa mga pasyenteng nagpositibo sa deadly virus. Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kasama si Senator  Christopher “Bong” Go sa gagamitan ng testing […]

‘Nakakatakot magalit ang tulad ni Alden Richards!’

KAHIT gaano pa kabait si Alden Richards, kahit sobrang marespeto pa ang Pambansang Bae ayon sa ating mga kababayang nakakaengkuwentro niya, ay darating at darating pa rin ang pagkakataong mapupuno na rin siya sa mga upak na ipinatitikim sa kanya ng mga taong walang magawa sa buhay. Sabi nga ng matatanda, may Santo Kristo ka […]

Female celeb naloka sa tanong ng motorcycle driver: Transgender po ba kayo?

MATAGAL nang palaging napagkakamalang transgender ang isang female personality. Matangkad kasi siya, medyo pangahan, kaya madalas siyang napagdidiskitahang becki na nagpaopera na para magmukhang babae talaga. Napasama siya nu’n sa isang talk show, tanong ng isang kaibigan sa kasamahan niyang host, “Ano nga ang name ng kasama n’yong transgender sa talk show n’yo?” Takang-taka ang […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending