Palasyo tiniyak ang kahandaan ng gobyerno matapos sabihin ng WHO na pandemic na ang COVID-19
TINIYAK ng Palasyo ang kahandaan ng gobyerno matapos namang ideklara ng World Health Organization (WHO) ang pandemic dulot ng coronavirus disease (COVID-19).
“Well, we are seriously concerned with the passing of development of the spread of the virus and the government is ready. Marami na tayong na-establish na protocols at mga measures upang ma-arrest natin ang spread and more importantly, that is why we are asking our countrymen, mga kababayan natin na kinakailangan mag-monitor tayo ng mga lumalabas na mga medical bulletins,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Ito’y matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na namatay ang isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19, na ginagamot sa Manila Doctors Hospital sa Maynila.
“Pagkatapos iyong dating mga sinabi na sa atin ay dapat nating gawin, on our own eh gawin natin, sapagkat iyon ay napakahalaga upang masawata natin ang paglawak nitong sakit na ito,” dagdag ni Panelo.
Idinagdag ni Panelo na kabilang sa dapat sundin ng publiko ang personal hygiene, social distancing at pag-iwas sa matataong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.