WALANG tumama sa P210.8 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Martes ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 47-23-31-56-42-01. Sa bola sa Biyernes ay inaasahan na aabot sa P215 milyon ang jackpot prize. Ang inilalaki ng premyo ay depende sa dami ng tumataya. […]
MALUBHANG nasugatan ang isang vendor ng pares at mami nang barilin at pagnakawan pa ng armadong lalaki, sa Port Area, Manila, nitong Martes. Naka-confine sa ospital si Samson Bautista, 41, dahil sa tama ng bala sa leeg, ayon sa ulat ng Manila Police District Station 5. Naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng madaling-araw, sa Batang […]
ARESTADO ang isang barangay kagawad matapos nitong mapatay sa barilan ang isang negosyante, sa Calaca, Batangas, Martes ng hapon. Dead on arrival sa ospital ang negosyanteng si Reymundo Endozo, 36, residente ng Brgy. Sinisian, ayon sa ulat ng Batangas provincial police. Naaresto naman si Manuel Del Rosario, kagawad ng Brgy. Caluangan, sa follow-up operation. Naganap […]
Hindi na talaga maabot ang komedyante-manunulat-manager-vlogger na si Ogie Diaz. Siya na ang opisyal na manager ngayon ng matapang at sikat na news anchor at radio commentator na si Raffy Tulfo. Magkasama na ngayon sa kanyang pamamahala sina Liza Soberano at Raffy Tulfo, isang napakagandang batang aktres, at isang walang inuurungang news anchor at host […]
SUMASALUDO ang maraming kasamahang artista, katrabaho at kapamilya ng isang sikat na female personality sa kababaan ng kanyang kalooban. Ni minsan ay hindi siya nasangkot sa anumang isyu ng kamalditahan. Maraming nagpapatotoo na wala sa kanyang bokabularyo ang pagmamaangas, todo-pasa lang siya sa mga pagkukulang ng kanyang kapwa, dahil ang kanyang katwiran ay hindi rin […]
Ang daming nagalit sa latest post sa Mocha Uson Blog. “Dapat anak ng mga OFWs ang i-prioritize ng mga State Universities para sa libreng edukasyon!!” came the blog’s caption sa photo and mugshot ng apat na babaeng sinasabing mga rebelde raw. “Study Now, NPA Later” ang nakasulat sa photo ng apat na babae. Ang daming […]
Very cool na sinagot ni Ogie Alcasid ang isang basher na nagtaray sa kanya at sa asawang si Regine Velasquez. “Malas ang mag asawang Ogie, Regine, kahit saan sya laging nawawala, dati SOP, PP, SAS, ngayon feeling ko sila ang may dalang kamalasan sa pagsasara ng @ABSCBN,” say ng isang bahser. Isang “God bless you” […]
IDINAAN sa biro ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang pagkukuwento nang hindi niya makatabi sa pagtulog nu’ng eve ng Valentine’s Day si Sen. Bong Revilla. Naibahagi ‘yan ni Mayor Lani during her speech sa Kasalang Bayan sa Strike Gym, Bacoor Government Center (BGC), Molina Boulevard, Bacoor City, Cavite nitong nakaraang Araw ng mga Puso. […]
Walang takot na inamin ng komedyante at singer na si K Brosas ang kanyang karamdaman sa “Magandang Buhay” kamakailan na ikinagulat ng mga host na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Bianca Gonzales (guest co-host). Sa umpisa, hindi raw malaman ng tumingin kay K kung ano talaga ang kanyang sakit, “E, kasi, nagpabarang ako. Oo, […]