Hinatulang makulong ng 135 taon ng Sandiganbayan Second Division ang dating mayor sa Albay kaugnay ng 17 kaso ng malversation of public fund na kinaharap nito. Si ex-Guinobatan Mayor Juan Rivera ay makukulong ng matagal dahil sa 17 cash advance na hindi nito na-liquidate mula Hunyo 1998 hanggang Abril 2001 na nagkakahalaga ng […]
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang Antique kamakalawa ng gabi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:32 ng gabi. Ang sentro nito ay walong kilometro sa kanluran ng Valderrama. May lalim itong 29 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate […]
SINABI ni Philippine National Police chief Ronald “Bato” De la Rosa na nakahandang siyang humarap at iba pang matataas na opisyal ng PNP sa Senado sakaling simulan nito ang imbestigasyon kaugnay ng dumaraming kaso ng extrajudicial killings sa harap ng kampanya ng gobyerno kontra droga. ‘We will finish it in 6 month with clean hearts […]
Isang retirado sa Cavite ang tumaya ng P20 at nanalo ng P31.1 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay 68-anyos, may asawa at pitong anak. Tumaya siya ng lucky pick noong Hulyo 29 at ang lotto machine ang nagbigay sa kanya ng winning number combination na […]
LOTTO GAME COMBINATIONS DRAW DATE JACKPOT WINNERS Megalotto 6/45 05-36-09-39-25-42 8/15/2016 20,746,616.00 0 4Digit 8-4-5-0 8/15/2016 34,265.00 22 Suertres Lotto 11AM 2-9-5 8/15/2016 4,500.00 520 Suertres Lotto 4PM 2-7-5 8/15/2016 4,500.00 523 Suertres Lotto 9PM 9-8-9 8/15/2016 4,500.00 535 EZ2 Lotto 9PM 10-21 8/15/2016 4,000.00 601 EZ2 Lotto 11AM 07-08 8/15/2016 4,000.00 111 EZ2 Lotto […]
Kinumpleto ng Croatia at Spain ang walong koponang aabante sa quarterfinals ng men’s basketball sa 2016 Rio Olympics matapos pagwagian ang kani-kanilang huling laban sa preliminary round. Pinadapa ng mga Espanyol ang Argentina, 92-73, habang sumandal ang mga Croatian kay Bojan Bogdanovic tungo sa 90-81 pagpapatumba sa Lithuania upang buuin ang apat na bansa sa […]
Mas nakakapagpabagal pa umano sa daloy ng trapiko ang paglalaro ng Pokemon kaysa sa mga provincial bus na pinag-iinitan umanong pagbawalan na pumasok sa Metro Manila. Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda mayroon lamang 3,300 provincial bus na pumapasok sa Metro Manila kaya hindi ang mga ito ang dapat na pag-initan sa isyu […]
PINAYAGAN ng Taguig City Regional Trial Court ang pansamantalang kalayaan ng tatlong consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na lalahok sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway. Inatasan sina Tirso Alcantara, Alan Jasminez at Ernesto Lorenzo na magpiyansa ng P100,000 matapos ang omnibus order ng Taguig RTC Branch 271. Idinagdag […]