5 miyembro ng pamilya patay matapos makuryente sa kanilang bahay sa Pangasinan
Nakahandusay ang mga katawan ng mag-asawang sina Ariel Colarco at Rochelle Mendoza at kanilang mga anak na sina Gieann, Henry at Michael sa sahig ng kanilang bahay sa Barangay Bacundao East, ganap na alas-8:05 ng gabi ayon kay Supt. Roland Sacyat, Malasiqui police chief.
Sinabi ni Sacyat na maaaring gumagawa ng sampayan si Rochelle sa loob ng bahay matapos matagpuan siyang may hawak na alambre ng siya ay matagpuan.
Sinabi ng mga imbestigador na maaaring dumikit ang bahagi ng alambre sa nakasaksak na appliance sa dingding.
Idinagdag ni Sacyat na maaaring tinangka ng dalawang anak ni Rochelle na hilahin ang kanilang ina, na naging dahilan ng kanila ring pagkamatay.
Natagpuan naman ang katawan ni Ariel at isa pang anak sa ibang bahagi na hawak ang kabilang dulo ng alambre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.