Croatia at Spain pasok sa quarterfinals | Bandera

Croatia at Spain pasok sa quarterfinals

Dennis Christian Hilanga - August 16, 2016 - 05:00 PM
RIO logo Kinumpleto ng Croatia at Spain ang walong koponang aabante sa quarterfinals ng men’s basketball sa 2016 Rio Olympics matapos pagwagian ang kani-kanilang huling laban sa preliminary round. Pinadapa ng mga Espanyol ang Argentina, 92-73, habang sumandal ang mga Croatian kay Bojan Bogdanovic tungo sa 90-81 pagpapatumba sa Lithuania upang buuin ang apat na bansa sa Group B kasalo ang mga bansang kanilang tinalo na may magkakatulad na 3-2 karta. Nalaglag naman ang African powerhouse Nigeria at host Brazil. Sa format ng kumpetisyon, isang knockout crossover match ang magaganap kung saan makakaharap ng #1 seed ng isang pangkat ang #4 ng kabila at ng #2 laban naman sa #3. Kung kaya makakasagupa nang USA (#1 A) ang Argentina (#4 B); Australia (#2 A) kontra Lithuania; France (#3 A) laban sa Spain (#2 B) at hahamunin ng Serbia (#4 A) ang Croatia (#1B) na hahataw sa Agosto 17. Mula rito ang apat na magwawagi sa kani-kaniyang laro ang uusad sa semifinals tungo sa inaasam na gintong medalya. Nanguna para sa world number two Spain si Rudy Fernandez na may 23 puntos at pitong rebounds habang may 19 markers at 13 rebounds si NBA star Pau Gasol. Umiskor si Bogdanovic ng 22 puntos para naman sa panalo ng Croatia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending