Pokemon nakakapagpabagal ng daloy ng trapiko
Leifbilly Begas - Bandera August 16, 2016 - 04:35 PM
Mas nakakapagpabagal pa umano sa daloy ng trapiko ang paglalaro ng Pokemon kaysa sa mga provincial bus na pinag-iinitan umanong pagbawalan na pumasok sa Metro Manila.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda mayroon lamang 3,300 provincial bus na pumapasok sa Metro Manila kaya hindi ang mga ito ang dapat na pag-initan sa isyu ng trapik.
“Why pick on our pouring provincials to solve Metro Manila traffic? Pokemon-playing is greater aggravation of Metro Manila traffic,” ani Salceda bilang reaksyon sa resolusyon ng Metro Manila mayors na alisin ang mga provincial bus sa EDSA.
Ayon kay Salceda, 50 ang maisasakay ng isang bus kumpara sa isang kotse na lima lang ang sakay. “So theoretically, you are exchanging 3,300 buses for 30,000 more cars in EDSA.”
“Where is the empirical evidence— time-and-motion study of current situation and simulation projections- to underpin as fundamental basis to this policy, which is always the knee-jerk first move whenever the issue of Metro Manila traffic?”
Punto ni Salceda, ang mga sasakyan na may sakay na naglalaro ng Pokemon Go ay magdadahan-dahan o tatabi sa mga lugar kung saan mayroong mahuhuling Pikachu o Lures.
“If yo are rich enough to maintain a private car, you must be rich enough to yourself and your kids an Android, iPad or iPhone. Multiply that by the 2.5 million cars in Metro Manila.”
Sa 3,300 provincial bus, 1,500 ang mula sa Bicol. Bumaba na ang bilang na ito kumpara sa 30,000 noong 1980s.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending