August 2016 | Page 22 of 95 | Bandera

August, 2016

Deped hindi na tatanggap ng pondo mula sa sugal

Hindi na tatanggap ang Department of Education ng pera mula sa sugal.      Ito ang sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corp., chairman Andre Domingo sa pagdinig ng House committee on appropriations.      Ayon kay Domingo sumulat si Education Sec. Leonor Briones sa kanila upang sabihin na hindi na ito tatanggap ng pondo […]

Medalya, P1.5M bigay kay Hidilyn Diaz ng Kamara

Binigyan ng Congressional Medal of Distinction sa Kamara de Representantes kahapon ang Rio Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz. Bukod sa karangalan, sinabi ni 1PACMAN Rep. Mikee Romero na nakalikom sila ng P1.5 milyon cash incentives para kay Diaz na tumapos sa 20 taong tagtuyo ng bansa sa medalya mula sa Olympics. “Expect many […]

De Lima sinabing kasinungalingan ang umano’y pagkakasangkot sa droga

MULING itinanggi ni Sen. Leila de Lima ang pagkakasangkot sa iligal na droga. “Alam n’yo ‘yung aking mga malalapit na kaibigan tsaka pamilya, ang advice nila sa akin huwag na daw po muna akong nagsasalita tungkol sa issue na ‘yan kasi parang walang katapusan,” sabi ni de Lima. Ito’y matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo […]

Barangay at SK elections posibleng ipagpapaliban

     Wala pang opisyal na posisyon ang Kamara de Representantes subalit patungo umano sila sa pagpapaliban ng eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktobre 31.     Ayon kay House committee on suffrage and electoral reforms chairman at CIBAC Rep. Sherwin Tugna magsasagawa ng pagdinig ang kanyang komite sa susunod na linggo kaugnay […]

Bagyong Dindo pumasok na sa PAR

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility kahapon ang bagyo na pinangalanang Dindo (international name Lionrock).      Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration maliit ang tyansa na mag-landfall sa bansa ang bagyo subalit maaari umano nitong palakasan ang Hanging Habagat na magpapa-ulan sa bansa.      Kahapon ng tanghali ang bagyo […]

Tumaya sa Albay nanalo ng P22M

    Isa ang nanalo ng P22.617 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola kamakalawa ng gabi.      Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang nakakuha ng winning number combination na 33-34-02-30-37-20.      Ang nanalo ay tumaya sa Tabaco, Albay.      Nanalo naman ng tig-P25,000 ang anim na mananaya na nakakuha […]

‘Matrix’ ng drug links ni De Lima ibabandera ni Duterte

HINDI pa tapos si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Leila De Lima, at nangako na ilalabas sa mga susunod na araw ang “matrix” na nagpapakita ng kanyang link sa mga drug lords sa New Bilibid Prisons. “I will show you, maybe this week the matrix―I’m just validating―the matrix of Muntinlupa connection. De Lima is there… […]

14 anyos pinugutan ng kapitbahay na nabaliw dahil sa droga

PINUGUTAN ang 14-anyos na lalaki ng kapitbahay na umano’y nabaliw dahil sa paggamit ng droga, kamakalawa sa San Jose del Monte, Bulacan. Ayon sa pulisya, nagtamo rin ang biktima ng mga saksak sa katawan. Natagpuan ng mga residente ang bangkay alas-10 ng gabi sa dumpsite sa Brgy. Minuyan Proper. Tatlong oras bago ito, nakita ang […]

Daniel nakiangkas sa motor papuntang airport nang walang helmet

MARAMING fans ni Daniel Matsunaga ang nabahala nang sumakay siya ng motorcycle nang walang suot na helmet. Papuntang airport si Daniel at hinahabol niya ang flight niya papuntang San Francisco. Napakatrapik noong mga oras na iyon kaya naman nakiusap si Daniel sa isang motorcycle rider na kung puwede siyang ihatid sa airport. Daniel posted a […]

Lilia Cuntapay bibigyang-pugay sa Tunay Na Buhay

BIBIGYANG-PUGAY ng Kapuso broadcast journalist na si Rhea Santos ang yumaong iconic actress na si Lilia Cuntapay ngayong Miyerkules sa Tunay na Buhay. Tinaguriang Queen of Philippine Horror Movies si Nanay Lilia dahil sa kanyang pagganap sa halos 70 pelikula at palabas sa telebisyon bilang aswang, bruha, multo, at iba pang nakakatakot na nilalang. Dalawang […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending