ISANG matinding babala sa import na si Ivan Johnson ang nangyaring pagsuspindi sa kanya ni PBA Commissioner Chito Narvasa. Ibig sabihin ay hindi mangingimi ang liga na parusahan ang kahit na sinong nagkasala — local man o import. Si Johnson ay hindi lang sinuspindi ng isang game kundi pinagmulta pa ng P50,000 bunga ng pagsungalngal […]
IBIBIGAY sa mga naging bayani at nagbigay karangalan sa sports ng Pilipinas sa nakalipas na taon ang kanilang nararapat na pagkilala ngayong Sabado ng gabi sa pagsasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ng tradisyunal nitong Annual Awards Night na hatid ng Milo at San Miguel Corporation. Dalawang world boxing champions at isang papaangat na golf […]
PILIT na ipapagpag ng RC Cola-Army ang paninibago sa matagal na pagkawala sa liga sa pagmartsa nito muli sa Philippine Superliga (PSL) sa pauna nito na 2016 PSL Invitational women’s volleyball tournament simula Pebrero 18 sa The Arena sa San Juan City. “It’s now an entirely different ballgame,” sabi lamang ni RC Cola-Army coach Emilio […]
Mahigit 17,000 katao na ang nagsilikas habang limang sibilyan ang sugatan at ilang paaralan ang nagsuspende ng klase dahil sa sagupaan ng mga tropa ng pamahalaan at mga armadong grupo sa Maguindanao nitong nakaraang linggo, iniulat ng mga otoridad ngayong araw. Umabot sa 3,468 pamilya o 17,340 katao ang nagsilikas sa ga bayan ng Datu […]
HINDI muna sinipot ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang mga pagpupulong at kampanya na nakatakda sana ngayong araw matapos namang makaranas ng migraine. Sinabi ni Pete Laviña, tagapagsalita ng kampo ni Duterte na nagday off muna ang mayor dahil sa nararanasang migraine. “After his week-long sorties in Tarlac, Metro Manila, and Tuguegarao, our […]
Naglunsad ng manhunt operation ang mga pulis laban sa isang kabaro na bumaril at nakapatay sa kanyang misis sa Davao City ngayong araw, dalawang araw bago mag-Valentine’s Day. Napatay sa insidente si Lorna Adug, misis ng suspek na si PO3 Arvin Adug ng Davao del Sur Provincial Public Safety Company, sabi ni Chief Insp. Andrea […]
NAILIGTAS ng mga pulis ang 33-anyos na babaeng may problema sa pag-iisip matapos siyang ikadena sa kaniyang bahay sa Barangay Umanday, Bugallon, Pangasinan sa loob ng pitong taon. Nakakadena ang kaliwang kamay ng babae nang matagpuan siya ng mga pulis mula sa Women and Children’s Protection Desk ganap na alas-11 ng umaga. Sinabi ni Chief […]
Hinaharap din ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe ang isyung ipinupukol ng mga kritiko kay Pangulong Aquino— ang paninigarilyo. Ayon kay Poe bagamat masama sa kalusugan, hindi ipinagbabawal ng batas ang paninigarilyo pero dapat hanapan ng solusyon upang matigil. “Alam mo, ‘yan din ang ini-issue nila sa ating Pangulo…. Pero sa tingin ko, […]
Bumaba ang trust at approval rating ni Pangulong Aquino subalit siya pa rin ang may pinakamataas na marka sa limang pinakamataas na lider ng bansa. Ayon sa survey ng Pulse Asia, nakapagtala si Aquino ng 49 porsyentong approval rating mas mababa sa 55 porsyento na naitala nito noong Disyembre. Siya ay may 18 disapproval rating […]
INATAKE sa puso ang founding president ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Lauro Vizconde kaninang umaga, ayon sa isang opisyal ng VACC. “Ka Lauro Vizconde, chairman emeritus (of) VACC, suffered (his) fourth cardiac arrest this morning and (is) now in ICU at Unihealth-Parañaque City,” sabi ni VACC chairman Dante Jimenez. Idinagdag ni […]
Muling nagnegatibo ang isinagawang DNA test sa mga ipinapalagay na kamag-anak ni Sen. Grace Poe sa Guimaras. Ayon kay Poe hindi nagtugma ang kanyang DNA kay Lorena Rodriguez-Dechavez na lumapit sa kanya ng magpunta siya sa Iloilo noong nakaraang taon. Ipinahukay ni Dechavez ang labi ng kanyang ama subalit masyado na itong agnas para makuhanan […]