Approval, trust rating ni PNoy, Binay bumagsak | Bandera

Approval, trust rating ni PNoy, Binay bumagsak

- February 12, 2016 - 04:04 PM

jejomar binay
Bumaba ang trust at approval rating ni Pangulong Aquino subalit siya pa rin ang may pinakamataas na marka sa limang pinakamataas na lider ng bansa.
Ayon sa survey ng Pulse Asia, nakapagtala si Aquino ng 49 porsyentong approval rating mas mababa sa 55 porsyento na naitala nito noong Disyembre. Siya ay may 18 disapproval rating at 33 porsyento ang undecided.
Sumunod naman si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 47 porsyento, bumaba ng anim na porsyento. Siya ay may 21 porsyentong disapproval rating at 33 porsyentong undecided.
Nakapagtala naman ng 44 porsyentong approval rating si Senate President Franklin Drilon mula sa 51 porsyento. Siya ay may 14 porsyentong disapproval at 40 porsyentong undecided.
Si House Speaker Feliciano Belmonte Jr., naman ay bumaba ng limang porsyento at nasa 24 porsyento. Siya ay may 22 porsyentong disapproval at 51 porsyentong undecided.
Bumaba naman ng apat na porsyento si Supreme Court chief justice Ma. Lourdes Sereno na may 25 porsyento. Siya ay may 21 porsyentong disapproval at 49 porsyentong undecided.
Trust Rating
Si Aquino ay nakapagtala naman ng 45 porsyentong trust rating, mas mababa sa 53 porsyento noong Disyembre. Siya ay may 21 porsyentong distrust at 33 porsyentong undecided.
Bumaba naman ng apat na porsyento ng trust rating ni Binay na nasa 45 porsyento. Mayroon siyang 25 porsyentong distrust at 30 porsyentong undecided.
Si Drilon ay may 42 porsyentong trust mas mababa sa 47 porsyentong naitala nito. Siya ay may 16 porsyentong distrust at 41 porsyentong undecided.
Bumaba naman ng tatlong porsyento ang trust rating ni Belmonte na naitala sa 21 porsyento. Siya ay may 27 porsyentong distrust at 49 porsyentong undecided rating.
Si Sereno naman ay may 23 porsyentong trust rating na bumaba ng dalawang porsyento. Siya ay may 28 porsyentong distrust at 46 porsyentong undecided.
Ginawa ang survey mula Enero 24-28 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.
30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending