Top Pinoy athletes pararangalan ngayon sa PSA Awards Nights | Bandera

Top Pinoy athletes pararangalan ngayon sa PSA Awards Nights

Angelito Oredo - February 13, 2016 - 01:00 AM

IBIBIGAY sa mga naging bayani at nagbigay karangalan sa sports ng Pilipinas sa nakalipas na taon ang kanilang nararapat na pagkilala ngayong Sabado ng gabi sa pagsasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ng tradisyunal nitong Annual Awards Night na hatid ng Milo at San Miguel Corporation.

Dalawang world boxing champions at isang papaangat na golf star na itinala ang kanyang pinakamatinding panalo sa mayaman na Asian Tour circuit ang nangunguna sa mahabang listahan ng pararangalan sa makasaysayang gabi ng pag-aalaala at selebrasyon ng kanilang pagwawagi sa One Esplanade sa Pasay City.

Ito ay sina World Boxing Organization (WBO) super bantamweight titleholder Nonito Donaire Jr., ang matagal naging WBO light flyweight champ Donnie Nietes at kampeon sa Asian Tour na si Miguel Tabuena na kikilalanin sa dalawang oras na programa matapos na ang tatlo ay hirangin bilang co-winners sa pinakaprestihiyosong Athlete of the Year award ng pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa sa ilalim ng pamamahala ni Riera Mallari, sports editor ng The Standard.

Para sa 33-anyos na si Donaire, ikaapat na pagkakataon na igagawad sa kanya ang katulad na karangalan matapos itong magwagi noong 2007, 2011 at 2012 habang ang 33-anyos na si Nietes at ang 21-anyos na si Tabuena ay kapwa iuuwi ang kanilang pinakaunang karangalan na tanging ibinibigay ng sportswriting fraternity para sa mga karapat-dapat na Pilipinong atleta.

Inaasahan din na dadalo ang mga kapwa nito atleta, executives at opisyales upang pangunahan ang local sporting community sa pagbibigay pagkilala sa mga awardees na umabot sa kabuuang 111.

Sina Quinito Henson at Patricia Bermudez-Hizon ang magho-host sa programa na magsisimula ganap na alas-7:30 ng gabi katulong ang Philippine Sports Commission (PSC) bilang major sponsor at suportado rin ng mga kaibigan nito sa sports tulad ng Smart, MVP Foundation, Maynilad, Philippine Amusement and Gaming Corp., Philippine Basketball Association, Philippine Charity Sweepstakes Office, Philracom, Accel, Sen. Chiz Escudero, SM Prime Holdings, Rain or Shine, Globalport, National University at One Esplanade.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending