Peks Man Archives | Bandera

Mahusay na ‘kusinero’ si Marcial

ISA ako sa nagbunyi nang mapili bilang PBA Commissioner si Willie Marcial. At bakit naman hindi? Matagal ko na rin namang nakasama si Marcial at alam kong ang puso niya ay para sa kapakanan ng numero unong ligang pang-basketbol ng bansa. Dahil siya ay nagmula sa ibaba, alam ni kume ang damdamin ng mga nasa […]

Kapayapaan at pagkakaisa

NASAPUL ni Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez ang katotohanan na maaaring makamit ang kapayapaan at pagkakaisa sa pamamagitan ng sports. “If children can play together without the biases of who they are, then achieving peace is very possible,” sabi ni Ramirez sa pagbubukas ng Mindanao leg ng Batang Pinoy sa Tagum, Davao del Norte. […]

Huwag po! Huwag po!

MUKHANG hindi na mapipigilan ang pagkakaroon ng Philippine Boxing Commission na tuwirang aagaw sa tungkulin ng Games and Amusement Board (GAB) bilang tagapatnubay ng pro boxing sa bansa. Ayon sa batas, nasa patnubay ng GAB ang lahat ng propesyonal na isports sa bansa. Ganunpaman, marami pa rin ang nagtatanong kung bakit kailangan pa ang nasabing […]

Women ‘werpa’

ISANG masigabong palakpakan sa mga babaeng nagbibigay ng karangalan sa bansa pagdating sa palakasan. Hindi lamang mga atleta ang tinutukoy ko, kundi mga lider at opisyal ng Philippine sports na inuuna kung ano ang makabubuti sa bansa kaysa sa sarili nilang kapakanan. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang ilaw ng mga tahanan kundi […]

Suntok sa buhay: Harry at Violito

SA mga masususing tagamasid ng Pinoy amateur boxing, hindi maaaring mawala sa ala-ala sina Harry Tañamor at Violito Payla. Hindi lang isa kundi maraming beses na nagbigay ng karangalan ang dalawa sa bansa sa larangan ng boksing. Alam ng lahat yan. Noong palaging may bitbit na mamamahayag ang asosasyon ng amatyur boxing dito sa bansa […]

Suntok sa buhay: Harry at Violito

SA mga masususing tagamasid ng Pinoy amateur boxing, hindi maaaring mawala sa ala-ala sina Harry Tañamor at Violito Payla. Hindi lang isa kundi maraming beses na nagbigay ng karangalan ang dalawa sa bansa sa larangan ng boksing. Alam ng lahat yan. Noong palaging may bitbit na mamamahayag ang asosasyon ng amatyur boxing dito sa bansa […]

Tenk yu, tenk yu ang babait ninyo

MARAMING na-lasheng, ngunit mas marami ang nasiyahan sa kauna-unahang Christmas party ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Maynila. Bagamat maraming mga last-minute na mga suliranin (kinulang ang baso, kutsara, tinidor at plato, nyahahaha) nagpakita ng gilas ang mga manunulat sa sports sa larangan ng pag-awit (si Nympha […]

San Beda: Puputok kung puputok

PINATUNAYAN ng San Beda Red Lions na wala silang katapat sa NCAA. Pero naging malaking isyu sa madlang pipol ang pagkawala ni Lyceum star CJ Perez sa Game One ng title series ngunit sa mga alam ang kanilang basketbol, nais naman ng Red Lions na kumpleto ang Pirates sa simula hanggang pagtatapos ng serye na […]

Kung sino-sino na lang!

SABAY-SABAY ang mga liga ngayon at siyempre pa nangunguna ang mga pukpukan sa basketbol at volleyball. Hindi maitatanggi na dahil kina Alyssa, Iya, Sissy, Jia, Rachel, Shang, Dzi, Nicole, Dindin, Bea, Maddie, Kim Kianna, Majoy, Cha, atbp ay mas malakas ang hatak ng mga kababaihan sa volleyball. Kung may PSL at PVL sa volleyball ay […]

Coach Louie at Charlie Dy

KUNG basketbol ang pag-uusapan, hindi nahuhuli sa usapan sina Phoenix Petroleum coach Louie Alas at star maker Charlie Dy. Hindi lingid sa lahat na malaking bahagi ng buhay nina Louie at Charlie ang basketbol. At kung hindi po ninyo alam, ay kapwa sila naging bahagi ng makulay na mundo ng Adamson basketbol. Dahil sa sipag […]

Para athletes dapat tularan

SILA ang mga atletang may kapansan na tila walang kapansanan. Kung tutuusin ay wala tayong sinabi kumpara sa kanila hindi lang sa larangan ng isports kundi sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sila ang mga tunay na bayani sapagkat pinatunayan nilang kaya nilang malusutan ang mga pagsubok dala ng kanilang mga kapansanan. Hinahangaan ko […]

What's trending