Dyakpot ang Rice Vanguards | Bandera

Dyakpot ang Rice Vanguards

Dennis Eroa - March 04, 2020 - 03:52 PM

NAKA-dyakpot ang Nueva Ecija Rice Vanguards dahil tiyak na may laban na ito sa muling pagsabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Dahil ayaw madehado sa susunod na season ng ligang itinayo ni Senador Manny Pacquiao ay tinitiyak ng mga mastermind ng Rice Vanguards na sina Palayan City Mayor Rianne Cuevas at head coach Charles Tiu na ang ipaparadang lineup ng Rice Vanguards ay kayang makipagsabayan sa mga pangunahing koponan sa liga.
Nasakote ng Nueva Ecija ang magkapatid na Juan ‘’’Swish’’ Gomez De Liaño at Javier Gomez De Liaño na nagpakita ng gilas para sa University of the Philippines Maroons sa UAAP at sa iba pang mga liga.
Sa aming pag-uusap ni dating UP superstar Paolo ‘’Hotshot’’ Mendoza ay nasabi niyang may kakayahan na umakyat sa professional ranks ang mga De Liaño.
‘’Ganoon po talaga sila kagaling,’’ sabi ni Mendoza na giniyahan ang mga utol noong naglalaro pa sa University of the Philippines Integrated School, ang koponan sa junior ng UP Maroons.
Ayon kay Mendoza, na naging numero unong draft pick ng PBA matapos ang makulay na kampanya sa UAAP at sa dating Philippine Basketball League (PBL) noong 2000, grabe ang athleticism ng mga De Liano. Sinabi ni Mendoza na maaasahan sa depensa at opensa ang magkapatid na isinilang na ‘’fighters.’’
Si Juan ay napiling 2017 Rookie of the Year ng UAAP at paborito niya si James Harden ng Houston Rockets.
Hindi na lihim sa sambayanang isports na nagpaalam na at hindi na muna sasabak sa darating na UAAP basketball wars ang mga De Liano. Ito ay dahil na rin sa higpit ng kanilang iskedyul at sa pagnanais na “to explore other things”.
Huwag na kayong magulat kung sa 2021 PBA Draft ay manguna ang mga pangalan ng magkapatid ngunit sa ngayon ay nakatutok ang kanilang atensyon sa magiging kampanya ng Nueva Ecija sa susunod na MPBL season.
Nasa playoffs stage na kasi ang MPBL sa kasalukuyan at nais ng koponan ni Mayor Cuevas na makasama ang Rice Vanguards sa susunod na playoffs. Kaya naman welcome news ang pahayag ng manedsment na nakipagkasundo na ang mga De Liaño brothers na maglaro sa Rice Vanguards.
Sa aking pagtatanong ay buong lugod na tinanggap ng mga taga Nueva Ecija ang pagpasok ng mga De Liano at isa pang plus factor sa Rice Vanguards ay ang paghawak ni coach Tiu na giniyahan ang Mighty Sports sa titulo ng Dubai International basketball tournament kamakailan.
Ang ibig sabihin nito ay umaapaw sa youthfulness Rice Vanguards na hindi lang nais maging numero uno sa susunod na MPBL conference kundi upang maging role models ng mga Novo Ecijano at sa lahat ng mga sports fans. Si Coach Tiu kasi ang sinasasabing up and coming coach ng bansa dahil sa kanyang kabataan, preparasyon at angking talento.
Tiniyak din ni Coach Tiu na tuloy tuloy ang recruitment ng koponan.
Hindi dito nagtatapos ang lakas ng Nueva Ecija sa backcourt sapagkat inaasahang magpapakitang gilas ang dating Ateneo star at betereno na rin ng MPBL na si Jose Antonio Reyes o mas kilala bilang si Jai Reyes. Magiging kalmado ang backcourt ng Nueva Ecija dahil sanay ba si Jai sa mga cardiac finish dala na rin ng kanyang karanasan.
Dadalhin ni Renz Palma, dating pambato ng University of the East Red Warriors at ng Alaska Aces sa PBA, ang bandila ng Nueva Ecija at dahil dito ay nakatitiyak na “mapapahuwaw” ang mga Nueva Ecija fans. Si Palma ay isang spitfire at naglalaro na tila walang kapaguran sabi nga ng dati niyang coach sa UE na si Derrick Pumaren.
Upang lalo pang mapalapit sa mga miron ang koponan, nais ni Mayor Cuevas na magpatayo ng palaruan na akma sa mga panutuntunan na tinakda ng liga. Ibig sabihin ay magkakaroon na ng sariling homecourt ang Rice Vanguards na siguradong ikatutuwa ng mga fans. Magiging tahanan ng koponan ang sports arena sa Palayan City.
“Its about time that Nueva Ecija has its on arena to host tournaments like the MPBL and at the same time showcase the beauty of our province to cities and provinces who will play in our arena. At the same time, our thousand of basketball fans will not have to travel 5 hours to watch games of our home team the Rice Vanguards.” diin ni Mayor Cuevas.
Tunay na matatag at palaban na ang Nueva Ecija Rice Vanguards!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending