FIVE years na palang mag-asawa sina Drew Arellano at Iya Villania, ikinasal sila noong 2014 sa Batangas. Kaya naman kahapon binati ni Drew ang asawa at ina ng mga anak niyang sina Primo at Leon sa pamamagitan ng isang Instagram photo na may caption na: “Happy anniversary to my partner-in-crime, stuntwoman, Captain MOMvel, @iyavillania! #5years.” […]
MADALAS makita ngayon ng mga kababayan natin ang isang dating pasaway na male personality sa isang probinsiya sa bandang South. Maayos siyang kausap, may direksiyon ang kanyang mga sinasabi, ibang-iba na raw ngayon ang palaging umeeksenang aktor sa mga kontrobersiya. Ilang panahon pa lang ang nakararaan ay naging matinding problema siya ng kanyang pamilya, sinukuan […]
Hanggang sa susunod na linggo na lang ang pondo ng Wowowin. Wala na silang maipalalabas na episode pagkatapos nu’n kung hindi pa rin babalik sa pagte-taping ang programa ni Willie Revillame. Matinding lungkot ang bitbit ngayon ni Willie, mas gusto niyang mamalagi ngayon sa kanyang bahay-bakasyunan sa Mindoro, hindi man siya makalilimot nang isandaang porsiyento […]
“KAHIT katiting ng narating ni Ms. Nora Aunor, hindi ko pa nararating iyon. Irespeto natin ang Superstar!” ‘Yan ang sagot ni Sylvia Sanchez nang tanungin tungkol sa kontrobersiyang bumabalot sa bago niyang pelikula, ang “Jesusa” na una ngang inalok kay Ate Guy. Nagpaliwanag ang direktor ng pelikula na si Ronaldo Carballo kung bakit napunta kay […]
MUKHANG naging banderang kapos si Gretchen Barretto sa kanyang mga sigaw kontra kay Kris Aquino. Hindi tumagal ang pasabog niyang mga bomba at ang masakit pa ay mismong sa mukha niya nagsabugan ‘yun. Payo ng mga netizens sa aktres ay tantanan na kasi niya ang pakikisawsaw sa mga isyung wala naman siyang maidadagdag at maibabawas. […]
“OO takot ako sa asawa ko!” Ito ang diretsong inamin ni Robin Padilla sa nakaraang presscon ng comeback movie niyang “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story”. Hangga’t maaari raw ay ayaw niyang sumama ang loob ni Mariel Rodriguez kaya ginagawa niya ang lahat para mapaligaya ang asawa. Pareho raw sila ni Gen. Bato na […]
IT’S now Claudine Barretto’s word against Gretchen’s. Parang napindot uli ang “war button” sa pagitan ng magkapatid after Gretchen has accused Kris Aquino of conniving with Claudine na tinawagan pa raw nito para siraan siya. Categorically, itinanggi ni Claudine that Kris made such a call. If true, saan kaya nakuha ni Gretchen ang kanyang unintelligent […]
PASAMA nang pasama ang imahe ng AlDub Nation when Sylvia Sanchez singled out the fandom na nagbabanta sa buhay ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde. “Ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo na bukod sa mura, bukod sa panglalait, bukod sa pamba-bash sa aming lahat, nakakita ako ng account na nagsasabi […]
SA isang umpukang puro nagtatrabaho sa showbiz ang magkakaharap para sa chikahan ay pinagkumpara ang magkasabayang babaeng personalidad na tunay namang sumikat at hanggang ngayo’y aktibo pa rin sa kani-kanilang karera. Malayung-malayo ang pagkukumpara, sabi ng mga miron, may kani-kanyang katangian ang dalawang aktres na mortal na magkalaban nu’n ang mga tagahanga sa kasagsagan ng […]
ANG intense ng sampalan scene nina Superstar Nora Aunor at Kate Valdez sa episode na napanood namin kamakalawa ng gabi sa Onanay. Siguradong maraming youngstars ngayon ang naiinggit kay Kate dahil sa dinami-dami ng mga kabataang artista ngayon ay siya ang maswerteng napili para masampal ni Ate Guy sa isang teleserye. At kung hindi kami […]