INIHAYAG ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na aalisin na nito ang Nona sa listahan ng mga pangalan ng bagyo matapos naman ang pamiminsala nito sa bansa noong Disyembre. Sinabi ng Pagasa na sinimulan nito ang online survey para mapalitan si Nona sa listahan. Ayon kay Raymond Ordinario, weather specialist ng Pagasa, […]
Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang apela ni Atty. Gigi Reyes na suspendihin ang pagdinig ng kanyang plunder case. Sinabi ni Associate Justice Samuel Martires, chairman ng dibisyon, na hindi nagpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema kaya tuloy ang pagdinig ng kaso. Sa pagdiinig kahapon, sinabi ng abugado ni Reyes na si Luis […]
Inaasahang aabot sa P103 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa Sabado. Ito ay matapos na hindi tamaan ang P97.3 milyong jackpot prize sa bola noong Miyerkules ng gabi. Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa mga lumabas na numerong 50-20-31-1-40-14. Nanalo naman […]
Bababa ng 21 sentimos ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan. Ang pagbaba ay bunsod ng bumabang generation charge o gastos sa paggawa ng kuryente. Bumaba ito ng 21 sentimos kada kilowatt hour. Bumaba rin ang buwis ng P0.02 kada kilowatt hour. Nagkakahalaga ito ng pagbaba na P42 sa mga kumokonsumo ng 200 kWh […]
Nakarekober lamang ng P10,354.98 cash ang Sandiganbayan sa mga bank account ng na-impeached na Supreme Court chief justice Renato Corona at kanyang misis na si Cristina. Sa ulat ni Sheriff IV Alexander Valencia sa Sandiganbayan Second Division noong Enero 5, sinabi nito na nakakuha sila ng P2,158.94 deposito sa account ni Corona sa Land Bank […]
ITINALAGA ni Pangulong Aquino si Atty. Ronaldo A. Geron, Jr. bilang bagong Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) matapos namang naunang mapaulat ang nakatakdang pagsibak kay dating Immigration Commissioner Siegfred Mison. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma, pinirmahan ni Aquino ang appointment papers ni Geron noong Enero 6, 2016. […]
Nasawi ang isang negosyante nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa tapat ng kanyang tindahan sa Tanauan City, Batangas, kahapon. Isinugod pa si Jovito Holgado, 61, sa C.P. Reyes Hospital, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Batangas provincial police. Naganap ang pamamaril dakong alas-10 ng umaga sa Brgy. Ambulong. Nakaupo si […]
SUGATAN ang 12 pasahero matapos magbanggaan ang dalawang bus ng DLTB Bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Sariaya ng Quezon bago magmadaling araw kahapon. Sa ulat na inilabas ngQuezon police provincial headquarters-public information office, sinabi nito na nag-overtake ang DLTB bus (UYD 431) na papuntang Quezon City nang bumangga ito sa paparating […]
Ipinahihinto ni Atty. Gigi Reyes sa Sandiganbayan Third Division ang pagdinig ng kanyang kasong plunder. Sa inihaing mosyon, sinabi ni Reyes na mayroon siyang nakabinbing petition for certiorari and prohibition with application for temporary restraining order sa Korte Suprema. Si Reyes ay dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na kapwa akusado niya […]
Naitala noong 2015 ang pinakamababang bilang ng mga Pilipino na nagsabi na sila ay mahirap mula noong 2011. Ayon sa survey ng Social Weather Station noong Disyembre, 50 porsyento ng mga Pilipino o 11.2 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap, walang pinagbago sa survey noong Setyembre. Para sa 2015 ang average na nagsabi […]
LUMUTANG kahapon sa tanggapan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang taxi driver na nagmura at nagbanta sa kanyang pasahero nang tumanggi ang huli na magdagdag ng bayad. Matatandaan na naging viral ang video ng driver, na nakilalang si Roger Catipay, matapos itong i-upload sa Facebook ng pasaherong si Joanne Garcia kamakalawa. Kasamang […]