Inimbita ng House committee on Metro Manila Development si John Lloyd Cruz sa isasagawa nitong pagdinig kaugnay ng kontrobersyang nakapaloob sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Ayon sa chairman ng komite na si Quezon City Rep. Winston Castelo isasagawa ang pagdinig alas-1 ng hapon sa Enero 11 sa Mitra Building ng Kamara de Representantes. […]
NANAWAGAN ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo sa mga deboto na panatiliin ang kaayusan sa prusisyon sa Sabado kung saan inaasahang aabot sa mahigit 12 milyon ang lalahok. Sa isang press conference, bagamat hindi nagbigay ng numero ng mga lalahok ng mga deboto para pagdiriwang ng Itim Na Nazareno ngayong taon, sinabi ni Rev. Msgr. […]
SINABI ng National Narcotic Agency (BNN) na tinatayang 55 sangkot sa droga ang nasintensiyahan ng bitay, kung saan 14 ang naghihintay na ng firing squad, kabilang si Mary Jane Veloso. Nakatakda sanang bitayin noong Abril 26, 2015 si Veloso bagamat ipinagpaliban ito matapos namang sumuko ang sinasabing recruiter ni Veloso. Sinabi ng Attorney General’s Office […]
INAASAHANG aabot sa P100 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito Miyerkules ng gabi, Enero 6. Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa mga lumabas na numerong 33-55-30-13-31-10 sa bola noong Lunes ng gabi. Umabot sa P92 […]
GENERAL SANTOS — Sigurado na si Filipino boxing champion Manny Pacquiao na iiwan na niya ang boxing ngayong taon para makapag-focus sa politika. Pero bago pa ang napipintong retirement ng Pambansang Kamao, lalaban muna si Manny kay Timothy Bradley sa Abril, kung kayat wala nang maaasahan na rematch sa pagitan niya at ni Floyd Mayweather. […]
TINIYAK kahapon ng Philippine National Police (PNP) na wala itong namomonitor na banta sa nakatakdang pagdiriwang ng Itim Na Nazareno sa Enero 9. Sinabi ni PNP spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor na itinalaga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Manila Police District (MPD) bilang Site Security Task group. “It is headed by Chief […]
Tumaas nang mahigit 100 porsiyento ang nakumpiskang shabu at bilang ng mga naarestong drug suspect sa Negros Occidental nitong nakaraang taon dahil sa pinaigting na kampanya laban sa kasabay na pagkalat ng iligal na droga sa lalawigan, ayon sa pulisya. Umabot sa 2241.83 gramo o P13.45 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska noong 2015, mas […]
Ipinababalik ng Sandiganbayan Second Division sa gobyerno ang may P511.12 milyong ari-arian ng pamilya Marcos at Lim kaugnay ng 533,00 hektarya ng kakahuyan. Naglabas ng desisyon ang korte sa Civil Case no. 0030 na inihain ng Presidential Commission on Good Government noong 1987. Ibinasura naman ng korte ang hiling ng PCGG na pagbayarin ng danyos […]
Naghain ng mosyon si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa Sandiganbayan Fifth Division upang makapunta sa Japan at Hong Kong sa katapusan ng buwan. Sa kanyang tatlong pahinang mosyon, hiniling ni Arroyo na makapunta sa Japan simula Enero 30 hanggang Pebrero 5. Mananatili umano siya sa Imperial Hotel sa Tokyo. Mula Pebrero 5 hanggang […]
INATASAN ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang grupo na huwag nang tatanggap ng mga pribadong imbitasyon matapos namang simulan ang pag-iikot sa iba’t-ibang lugar sa bansa, ayon sa kanyang ka-tandem na si Sen. Alan Peter Cayetano. “On Thursday, we‘ll have our first town hall meetings and a two-day activity including courtesy calls to […]