Inaasahang aabot sa P103 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa Sabado.
Ito ay matapos na hindi tamaan ang P97.3 milyong jackpot prize sa bola noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa mga lumabas na numerong 50-20-31-1-40-14.
Nanalo naman ng tig-P200,000 ang limang mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,270 naman ang 819 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 17,038 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
