WALANG nararanasang isyung pangkalusugan ngayon si Pangulong Bongbong Marcos Jr., ngunit naging maingat na ito sa pagkain matapos magkasakit ng diverticulitis noong Enero. Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro at aniya hindi naman naapektuhan ang mga trabaho ni Marcos Jr., ng naranasang sakit sa bituka. Ayon kay Castro dahil sa kanyang naging […]
TUMAKBO sa Korte Suprema si Vice President Sara Duterte at kinuwestiyon kung naaayon sa Saligang Batas ang pagdinig ng House Justice Committee sa kanyang impeachment case. Base sa inilabas na pahayag ng mga abogado ni Duterte, Petition for Certiorari and Prohibition ang kanilang inihain sa Korte Suprema. Nilinaw ng panig ng depensa na wala silang […]
BINALAAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko ukol sa mga mensahe na sinasabing nagmumula sa mga opisyal ng gobyerno at mga sikat na personalidad at nanghihingi ng donasyon. Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag gumagamit ang mga sindikato ng “caller ID spoofing technology” para magmistulang lehitimo ang mga ipinakalat nilang mensahe. Paliwanag pa […]
NAKIPAGKASUNDO ang Senior Citizen’s Party-list sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa pagbibigay ng libreng legal assistance sa lahat ng senior citizens sa bansa. Nabuo sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Senior Citizens Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes at IBP National President Allan Panalong ang Legal Assistance Program for Senior Citizens. Naging […]
INIULAT ng Department of Health (DOH) na umabot sa 1,091 ang bilang ng mga naitalang aksidente sa mga lansangan sa limang araw ng nakalipas na Semana Santa. Ang bilang, sabi ni DOH spokesman Albert Domingo, ay mula noong Marso 29 o Linggo ng Palaspas hanggang noon lamang Huwebes Santo (Abril 2). Ito ay base, dagdag […]
TATAPUSIN na ang panahon ng “tapal-tapal” sa pagsasaayos sa mga kalsada ng EDSA. Ito ang tiniyak ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon matapos bisitahin ang binuksan na bahagi ng EDSA Magallanes flyover na isinara noong Semana Santa para ayusin. Inamin ng kalihim na maraming reklamo silang natatanggap na agad din nasisira ang aspalto […]
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang pasahero sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City dahil sa bitbit na higit tatlong kilo ng hinihinalang shabu. Nagmula sa Malaysia ang suspek at naghinala na ang mga awtoridad matapos sumailalim sa x-ray examination ang kanyang backpack. Nang busisiin ang kanyang […]
Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) ang paglalabas ng higit P19 bilyon sa ilalim ng kanilang Balik Ginhawa program. Nabatid na sakop ng programa ang may 1.37 milyong miyembro at pensioner na may aktibong loan accounts at sila ay posibleng makatanggap ng mula P12,000 hanggang P117,000 depende sa halaga ng kanilang utang. Sinabi ni GSIS President […]
NAIBIGAY na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Final Report, at nasa kanya na kung ito ay ilalabas sa publiko. Ito ang ibinahagi ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste sa kanyang Facebook post kaugnay sa talamak na korapsyon umano sa Department of Public Works and Highways […]
SA Ilocos Norte palilipasin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Semana Santa. Sinabi ito ni PBBM sa pagbubukas ng Aliaga-Cabanatuan section ng Central Luzon Link Expressway (CLLEx) kanina. Ayon sa Punong Ehekutibo mananatili siya ng ilang araw sa Ilocos Norte at babalik din ng Malakanyang sa weekend. “Holy week, I will spend a few […]
PINUNA ni Sen. Imee Marcos ang pamamahagi ng imported rice sa programang murang bigas ng administrasyon ng kanyang nakababatang kapatid. Ikinatuwiran ng senadora na maganda naman ang ani ng lokal na bigas at wala din napapa-ulat na kakulangan sa suplay ng naturang butil. Duda ang senadora na pinaboboran ng ilang opisyal ang imported rice dahil […]