ChiKapalaran (July 6-12, 2026): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo

MAGANDANG araw, mga Ka-Bandera! Rise and shine! Panibagong linggo na naman para alamin ang inyong ChiKapalaran! Ready ka na ba?
And as always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Tru? Tru!
Heads up lang, maraming mangyayari ngayong araw, kumapit ka!
Aries (March 21 – April 19)May hahamon sa pasensya mo ngayon. Huwag mong patulan… maliban na lang kung unli samgyup ang premyo. Love life? Bawasan ang pagiging “seen-zoned” expert.
Lucky Color: RedLucky Number: 9Swerte Meter: 4
Taurus (April 20 – May 20)May darating na pera… pero dadaan lang sa palad mo dahil may checkout ka na naman. Ang wallet mo, gusto nang mag-file ng restraining order laban sa online shopping.
Lucky Color: GreenLucky Number: 18Swerte Meter: 4
Gemini (May 21 – June 20)Ingat sa pagiging madaldal. Baka ang sikreto ng kaibigan mo, maging “breaking news” bago mag-lunch. Love life? Isang “Hi” lang ang kailangan—huwag nobela agad.Lucky Color: YellowLucky Number: 5Swerte Meter: 4
Cancer (June 21 – July 22)Sensitive ka ngayon. Kahit “K” lang ang reply, feeling mo galit na sa’yo. Relax, baka lowbat lang talaga siya.Lucky Color: SilverLucky Number: 11Swerte Meter: 5
Baka Bet Mo: ChiKapalaran (June 29–July 4): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo
Leo (July 23 – August 22)Main character energy ka na naman. Tandaan, hindi lahat ng umiikot ay umiikot sa’yo—minsan electric fan lang.Lucky Color: Gold Lucky Number: 1Swerte Meter: 4
Virgo (August 23 – September 22)Hindi lahat kailangang i-correct. Minsan hayaan mo silang magkamali… para may mapagkuwentuhan ka mamaya.
Lucky Color: Navy BlueLucky Number: 14Swerte Meter: 4
Libra (September 23 – October 22)Aabutin ka na naman ng siyam-siyam kakapili. Mabilis ka pang makakapili ng jojowain kaysa ng oorderin sa menu.Lucky Color: PinkLucky Number: 6Swerte Meter: 3
Scorpio (October 23 – November 21)May gusto kang i-message, pero pride ang mas malakas. Sige lang, antayin mo ring maubos ang storage kakatingin sa profile niya.
Lucky Color: MaroonLucky Number: 13Swerte Meter: 4
Sagittarius (November 22 – December 21)Adventure ang hanap mo pero budget mo pang-tricycle lang. Huwag mag-alala, minsan ang pinakamalayong biyahe ay papuntang ref. Tiis muna ngayon, nak.
Lucky Color: PurpleLucky Number: 22Swerte Meter: 5
Capricorn (December 22 – January 19)Trabaho ka nang trabaho. Paalala lang, hindi ka ATM na laging may cash out. Magpahinga rin paminsan-minsan.Lucky Color: GrayLucky Number: 8Swerte Meter: 4
Aquarius (January 20 – February 18)May brilliant idea ka… pero nakalimutan mo rin makalipas ang limang minuto. Isulat mo bago maagaw ng katabi mo ang credit.
Lucky Color: Sky BlueLucky Number: 17Swerte Meter: 4
Pisces (February 19 – March 20)Lumalakas ang kutob mo. Ang problema, gutom lang pala ‘yun. Kumain ka muna bago gumawa ng life decisions.
Lucky Color: Aqua BlueLucky Number: 2Swerte Meter: 5
Hindi lahat ng malas ay forever, at hindi lahat ng swerte ay instant. Diskarte at dasal pa rin, mga ka-Bandera!
Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
