Pangulong Bongbong Marcos super ingat na sa diet dahil sa diverticulitis

WALANG nararanasang isyung pangkalusugan ngayon si Pangulong Bongbong Marcos Jr., ngunit naging maingat na ito sa pagkain matapos magkasakit ng diverticulitis noong Enero.
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro at aniya hindi naman naapektuhan ang mga trabaho ni Marcos Jr., ng naranasang sakit sa bituka.
Ayon kay Castro dahil sa kanyang naging sakit naging maselan na ang Punong Ehekutibo sa kanyang mga kinakain.
“Kaya nag-iingat na siya sa pagkain dahil ayaw na niyang maranasan ang pain na yun ulit,” dagdag pa ni Castro.
Kinuwestiyon sa social media posts ang tunay na kondisyon ng kalusugan ni Marcos Jr., kayat muling nagbigay linaw ang Malakanyang hinggil dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
