Jake Maderazo Archives | Page 26 of 31 | Bandera

Jake Maderazo Archives | Page 26 of 31 | Bandera

Tongressman, senatong bundat sa 2015 budget

IPINAGBAWAL na ng Korte Suprema ang PDAF o pork barrel ng mga senador at kongresista, pati na rin ang DAP, pero talagang napakatalino sa budget ng mga “matsing” ng Liberal Party at ibinaon ang mga “bagong bersyon” ng PDAF at DAP sa napakaraming mga “lump sum funds” sa 2015 national budget. Binago pa ang depinisyon […]

Oplan Maligno vs. Stop Nognog 2016

HINDI na nakakatawa ang halos araw-araw na upakan ng mga nambobolang politiko at partido. Sabi ng UNA, grupo ni Interior Secretary Mar Roxas at Liberal party ang nasa likod ng Oplan Stop Nognog 2016. Ngayon naman, sabi ni Caloocan Rep. Egay Erice, meron daw Oplan Maligno ang kampo ni Vice President Binay para maiangat ang […]

4 na makikinabang pag nakulong si Binay

“IKULONG si Vice President Jejomar Binay bago mag 2016 elections.” Eto  ang lumilitaw na direksyong tinatahak ngayon nina Senador Antonio Trillanes, Alan Peter Cayetano at Koko Pimentel ng Senate blue ribbon sub-committee, at maging ng kampo nina Liberal Party Rep. Egay Erice. Pati ang DOJ, NBI  at Ombudsman ay magsasagawa na rin ng imbestigasyon sa  […]

Hinoldap na batang pandesal vendor, sampal sa PNP

NAKAKAPIKON  talagang makita ang nanginginig at nanlalatang 12-anyos na Grade 5 pupil na hinoldap sa Calookan habang naglalako ng pandesal. Para lang makatulong sa magulang, naglalako ang bata sa umaga ng pandesal para ang benta nito ang gagamitin niyang pamasahe patungong eskwela.  Pero, nitong Huwebes sa Bgy. 168, Deparo, tinutukan siya ng patalim ng isang […]

PNoy, bitiwan mo na si Purisima

MAY moral ascendancy pa raw si PNP Chief Director General Alan Purisima sa buong pamunuan ng pulisya, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda. Bago ito, mismong si Pangulong Aquino ang nagsabi, habang siya ay nasa abroad, na hindi raw maluho at matakaw ang pagkakakilala niya kay Purisima. Naghamon  pa si PNoy na kung merong nakapaligid […]

Anyare sa EO66?

ALAS-4 pa ng madaling araw noong Biyernes, suspendido na ang mga klase sa QC, Marikina at Rizal province (Congrats, Bistek, Del de Guzman at Gov. Nini Ynares) kahit walang nakataas na storm signal kay Tropical strom Mario. Nagtaka ako noon kung bakit tatlo pa lang ang nagsuspinde gayong alas-9 Huwebes ng gabi, nakataas na ang […]

13% kay Binay, magkano sa Taguig, QC at Maynila?

PINAG-UUSAPAN ngayon ng maraming pulitiko at negosyante ang alegasyon ni dating Makati vice mayor Ernesto Mercado na 13 percent na “komisyon” daw sa mga proyekto ang napupunta  kay dating Makati mayor at ngayo’y VP Jojo Binay. Sa totoo lang, ang ganitong mga  “tara” o “porsyento” para sa kahit kaninong alkalde ay  open secret sa mga […]

MMDA chair Tolentino suko na sa trapik

HINDI ba ninyo napapansin itong si Chairman Francis Tolentino ng MMDA na regular nang sinisisi ang iba’t ibang grupo sa araw-araw na buhol-buhol na trapiko sa loob ng Metro Manila at maging sa NLEX at SLEX? Kundi DPWH, mga contractors, LTFRB, LTO, mga truckers, bus, jeepneys,  colorum, public utilities at mga diggings nito, maging mga […]

P4.1B pork barrel sa 2014 CHEd budget

HIRAP na hirap ngayon sa pagpapaliwanag si Commission on Higher Education chair Patricia Licuanan  tungkol sa tig-P14 milyong pondo na inilaan sa bawat kongresista sa “Tulong Dunong” project  ngayong taon. Sa budget hearing noong Martes, inamin mismo ni Licuanan na “it was PDAF, it was realigned, that is my own take on this… so we […]

Alcala dapat nang mag-resign

NATUTUWA ako sa balitang kinasuhan na sa Ombudsman ang mga appointee ni PNoy sa National Food Authority (NFA) pati na rin ang mga taga- National Irrigation Administration (NIA) na parehong mga bata ni Agriculture Sec. Proceso Alcala. Ang kontrata na P1.08B ay para sa rice-cargo handling ng imported na bigas mula Vietnam na nakuha ng […]

Gobyerno ni PNoy walang patawad

SA panahong umuunlad na raw ang ating ekonomya gaya nang ipinagmamalaki ni PNoy, tayo naman ang may pinakamataas na income tax (32%) sa ASEAN. Hindi lang yan, pati Value Added Tax  na 12%, tayo rin ang may pinakamataas kumpara sa mga katabing bansa sa rehiyon. Ayon sa Tax Management Association of the Philippines (TMAP), sa […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending