NGAYONG sisimulan na ang rehabilitasyon sa Marawi City ay marami rin ang nagtutulak na isabay na rito ang imbestigasyon kung bakit napasok ang lungsod ng mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group. Gusto ng ilang mga miyembro ng security cluster ng pangulo naa alamin rin kung sinu-sino ang mga opisyal ng pamahalaan na nagpabaya […]
PROBLEMADO ang isang elected official dahil tinalikuran na siya ng kanyang mga kaalyado sa pulitika sa kanilang lalawigan. Sinabi ng ating Cricket na hindi nagustuhan ng kanyang mga kaalyado ang ginawang pambabastos ng opisyal sa isang kapwa niya elected official. Bukod kasi sa dating may mataas na pwesto sa pamahalaan ang binastos na opisyal ay […]
MULA sa ilang taong pananahimik ay nabuhay sa social media ang isang dating sikat na mamamahayag. Tulad nang dati ay laman ng kwento niya sa kanyang wall kung gaano sila kagagaling na mga mediamen noong araw kumpara raw sa hanay ng mga mamamahayag sa kasalukuyang panahon. Tulad ng isang lolo na nagbabalik-tanaw sa kanyang kabataan, […]
HANGGA’T maaari ay ayaw ng isang sikat na rin naman na politiko na palutangin ang kanyang ambisyon na maging senador. Ang kanyang katwiran kasi ay tiyak na puputaktihin siya ng mga taong hihingi ng kung anu-anong mga pabor kapalit ng suporta pagsapit ng eleksyon. Kilala kasi na medyo makunat si Manong na galing sa isang […]
MASAMA ang loob ng ilang mga kaibigan ng isang kilala at sosyalerang personality dahil nagbalik ito sa kanyang masamang gawain. Sinabi ating Cricket na tambay sa ilang mga bars at party venues na balik sa pagtutulak ng droga ang personalidad na bida sa ating kwento ngayong araw. Tila binalewala raw nito ang pagmamagandang loob ng […]
NAMUMUHAY ngayon sa pangako ang isang dating pulitiko dahil wala siyang pambayad sa kanyang mga inutangan noong nakalipas na halalan. Sinabi ng ating Cricket na pati ang pagsusugal at casino ay pinasok na rin ni Sir para lamang maitayo ang kanyang pangalan. Kamakailan ay dinayo pa siya sa lalawigan ng isang kaibigan na kanyang pinagkakautangan. […]
EXTENDED ang bakasyon sa abroad ng isang local official at ito ay walang kinalaman sa kanyang sakit kundi sa banta diumano sa kanyang buhay. Two months ago ay nag-file ng leave of absence si Mayor dahil kailangan daw niyang magpunta sa abroad para magpa-check up. Makalipas ang dalawang linggo ay sumunod doon ang kanyang buong […]
SINO ang magsasabing walang pakialam sa kanilang “looks” ang ilang mga kalalakihan lalo na kung sila’y nagkaka-edad na. Ibahin nyo ang lider ng isang transport group na hanggang ngayong ay regular na bumibisita sa kanyang “derma”. Ayon sa aking Cricket na driver ng isang pampublikong sasakyan, mayroon daw kakaibang bisyo ang lider ng kanilang grupo. […]
BALAK ng isang sikat na politiko na ngayon ay walang pwesto sa pamahalaan na maglabas ng isang “memoir” na nagdedetalye siyempre sa makulay niyang buhay sa politika. Gusto niyang idetalye rito pati na ang tunay na pagkatao ng kanyang mga nakasama sa politika pati na rin ang ilang mga personalidad at mga businessmen na naging […]
BISTADO na ang sideline ng isang kongresista mula sa isang lungsod sa Metro Manila. Ang congressman daw ang sinasabing may hawak ng pondo para sa mga grupong bumabanat sa administrasyon. Malaking bulk ng pondo ay sinasabing pambayad sa ilang mga online trolls na pantapat rin sa mga diehard na keyboard warriors ng administrasyong Duterte. Pero […]
PARANG miyembro ng Barangay Ginebra ang isang dating gobernador mula sa Central Luzon dahil sa kanyang never-say-die na peg. Hanggang ngayon kasi ay umaasa si Gob na mailalagay siya bilang pinuno ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Kaya lang ay malabo sa ngayon na makuha niya ang inaambisyong pwesto dahil malakas din ang kapit sa […]