Ex-Gob wala ng raket; galit sa mga fair-weather friends
NAMUMUHAY ngayon sa pangako ang isang dating pulitiko dahil wala siyang pambayad sa kanyang mga inutangan noong nakalipas na halalan.
Sinabi ng ating Cricket na pati ang pagsusugal at casino ay pinasok na rin ni Sir para lamang maitayo ang kanyang pangalan.
Kamakailan ay dinayo pa siya sa lalawigan ng isang kaibigan na kanyang pinagkakautangan.
Umaasa ang nasabing kaibigan na mababayaran na ni Mr. Politician ang kanyang pagkakautang na aabot sa P400,000.
Pero bigo ang negosyante dahil bukod sa nabokya siya ay puro negative vibes pa ang nakuha niya kay Sir dahil sa labis na sama ng loob nito sa kanyang mga
dating kaalyado sa Kapitolyo.
Sinabi ng dating Gobernador na trinaydor siya ng kanyang dating grupo sa pamumuno mismo ng dati niyang provincial administrator.
Napag-alaman na ang dating administrador ang kumita nang husto noong sila pa ang nakapwesto dahil nakapagpundar ito mg maraming mga ari-arian.
Si dating Gob naman ay nakatira ngagon sa ancestral home ng kanyang tiyuhin na isa ring kilalang pulitiko sa bansa.
Masama rin ang loob ni Sir dahil mula nang matalo siya sa nakalipas na eleksyon ay isa-isa na ring nawala ang kanyang mga kaibigan lalo na ang mga kontratista na lalong yumaman sa panahon ng kanyang termino.
Bagaman natalo sa nakalipas na halalan ay naghahanda nang muli si Sir dahil babawiin daw niya ang kanyang dating posisyon sa kanilang kapitolyo.
Pero malaki ang kanyang problema dahil bukod sa baon siya sa utang ay wala rin siyang malawak na political machineries para patakbuhin ang kanyang kampanya.
Ang pulitiko na baon sa utang pero tatakbo pa rin sa susunod na halalan sa kanilang lalawigan ay si Mr. E…as in Ewan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.