Dating journalist panay ang paramdam kay Digong | Bandera

Dating journalist panay ang paramdam kay Digong

Den Macaranas - October 18, 2017 - 12:10 AM

MULA sa ilang taong pananahimik ay nabuhay sa social media ang isang dating sikat na mamamahayag.

Tulad nang dati ay laman ng kwento niya sa kanyang wall kung gaano sila kagagaling na mga mediamen noong araw kumpara raw sa hanay ng mga mamamahayag sa kasalukuyang panahon.

Tulad ng isang lolo na nagbabalik-tanaw sa kanyang kabataan, para sa kanya, golden age of journalism ang kanilang kapanahunan.

Sa totoo lang ay hindi pa naman laos ang kanyang mga kasabayan sa industriya pero maagang nawala ang kinang ng kanyang bituin ika nga nang mahiwalay siya sa kanyang dating “partner” na haggang ngayon ay aktibo pa rin sa industriya.

Ilang beses rin niyang sinubok ang negosyo pero ito ay mailap sa kanya pati ang politika ay pinasok niya, ngunit hindi rin siya pinalad, pero sabi ng ating Cricket ay kumita naman sa pagtakbo niya ilang taon na ang nakalikipas.

Ngayon ay aktibo siya sa social media sa pagbibigay ng opinyon sa mga isyu.

Pero marami ang nakapuna sa pagiging maanghang ng kanyang mga panananaw sa pagtatanggol sa Pangulo.

Sinabi ng ilang insider sa Palasyo na malamang ay nagpaparamdam ang mama para mabigyan ng pwesto sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Senegundahan ito ng isa pang source dahil may kinausap na raw ang dating mamamahayag para mabigyan siya ng posisyon sa kahit na anong sangay ng pamahalaan.

Sinabi ng ating Cricket na malamang ay napurdoy na ang ating bida dahil sa pagsusugal.

Matalino pa naman at malalim ang kanyang mga pananaw kundi nga lamang nasilaw sa pera at minsan sa kanyang karera ay nabansagan rin siyang attack dog dahil sa ilang PR works niya noong araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mamamahayag na nagpaparamdam ngayon para makakuha ng pwesto sa Duterte administration ay si Mr. S….as in Sunny.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending