PINAGPAPAHINGA muna ng kanyang mga duktor ang isang sikat na pulitiko dahil lately ay nagiging masasakitin siya. Noong mga nakalipas na buwan ay ilang beses na ring na-confine sa ospital si Sir pero pilit nila itong itinago sa publiko. Nagkakagulo kasi ang kanyang mga pamilya sa kung sino ang magbabantay kay Sir pero siyempre prayoridad […]
NAIMBYERNA ang ilang mga magulang at Boy Scouts dahil sa maagang pangangampanya ng isang nagbabalak na maging senador ng bansa. Pinasok kasi ni Mr. Former Cabinet Secretary ang isang pagtitipon ng Boy Scouts of the Philippines sa isang bayan sa Central Luzon kamakailan. Sa kalagitnaan ng kanilang group activities ay ipinatawag ang mga batang scouts […]
HINDI halata pero hanggang ngayon pala ay umaasa pa rin na mabibigyan ng pwesto sa pamahalaan ang isang aktor. Sinabi ng ating Cricket na nagbabaka-sakali pa rin si Mr. S na isang araw ay tatawag sa kanya ang Malacañang at sasabihing itinalaga siya ng pangulo sa isang magandang posisyon. Pero habang wala ay nasa waiting […]
SA nakalipas na panahon ng Kapaskuhan ay lantaran ang maagang pangangampanya ng isang religious leader na nagdesisyon na sumawsaw na rin sa pulitika. Bukod sa pag-iikot sa kanyang mga branch churches ay namahagi rin siya ng regalo sa ilang bayan sa kanilang lalawigan na malapit lamang sa Metro Manila. At tulad nang inaasahan ay nakalagay […]
NANGHIHINAYANG ako sa samahan at adhikain ng isang media organization kung saan ilan sa kanilang mga miyembro ay kakilala ko nang personal. Propesyunal silang maituturing pero nahaluan sila ng ilang indibiduwal na iba ang layunin at nagtatago sa tawag na “media”. Tungkulin ng mga mamamahayag na isiwalat ang katotohanan pero ibang usapan na kapag hinaluan […]
KINAPOS sa pondo kaya imbes na pagka-gobernador ang targetin sa darating na halalan ay nakipagpalit na lang ng pwesto sa kanyang mister na local official ang isang mayamang mambabatas. Sinabi ng ating Cricket na hindi biro ang ginastos ng mag-asawang pulitiko sa nagdaang 2016 elections. Napasubo sila sa malaking gastos dahil mistulang binili nila ang […]
HINDI naman pala simpleng tampuhan kundi pera ang dahilan kung bakit sinisiraan ng isang dating mayor sa Central Luzon ang kayang kaibigan na isang negosyante. Sinabi ng ating Cricket na si Mr. Businessman ang nagpondo nang kumandidato sa pagka-kongresista ang dating mayor noong 2013. Dahil puro yabang at sangkot pa sa ilang kalokohan kaya hindi […]
NANG pumutok ang ilang mga kontrobersiya sa pulitika ay biglang nagkaroon ng ideya ang isang dating opisyal ng gobyerno na lider din ng isang grupo ng nagpapakilalang “patriotic”. Hindi para payapain ang sitwasyon kundi upang guluhin ang mga pangyayari kapalit sIyempre ng malaking halaga ng salapi. Sa mga nakalipas na rally ng iba’t ibang grupo […]
SA tuwing napapadaan ako sa isang malaking mall sa Maynila ay lagi kong naaalala ang isang religious leader na mahilig sumawsaw sa mga isyu at pulitika. Paano nga namang hindi, samantalang imbes na isang malaking worship venue ay naging shopping mall ang dapat sana’y property na magiging sentro ng kanilang pananampalataya. Maraming taon na ang […]
DAHIL sa higpit ng kanyang misis na pulitiko kaya nakaisip ng paraan ang isa ring dating pulitiko kung paano niya maitutuloy ang kanyang pambabae. Ayon sa ating Cricket, isinasabay ng dating mambabatas sa kanyang pagdalo sa mga speaking engagement o kaya ay NGO meeting ang kanyang kinatandaang bisyo. Pinakahuli rito ang dinaluhan niyang meeting sa […]
LOVE is sweeter the second time around ang peg ng isang local official at ng kanyang labidabs na isang sikat na personalidad. Sinabi ng ating cricket na solo lakad daw si local official kapag sila’y nagtatagpo ng kanyang girlfriend sa kanilang private place. Bakit nga naman hindi samantalang katakot-takot na batikos at puna ang kanilang […]