Religious leader lantaran na ang pangangampanya | Bandera

Religious leader lantaran na ang pangangampanya

Den Macaranas - January 11, 2019 - 12:10 AM

SA nakalipas na panahon ng Kapaskuhan ay lantaran ang maagang pangangampanya ng isang religious leader na nagdesisyon na sumawsaw na rin sa pulitika.

Bukod sa pag-iikot sa kanyang mga branch churches ay namahagi rin siya ng regalo sa ilang bayan sa kanilang lalawigan na malapit lamang sa Metro Manila.

At tulad nang inaasahan ay nakalagay ang mga iyun sa plastic bag na naroroon ang kanyang larawan, pangalan at partylist group na kanyang kakatawanin sa Kamara.

Nagdesisyon kasi ang religious leader na ito na kunin ang posisyon na kasalukuyang hawak ng kanyang manugang bilang partylist representative.

Noon pa man ay gusto na ng pastor na ito na maglingkod sa bayan pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Lord sa kadahilanan na ang tanging Diyos lang din ang nakakaalam.

Sa kanilang lalawigan ay tampulan ang kantyaw ang pamilya ng bida sa ating kwento dahil sa pilit na pagtatayo nila ng political dynasty.

Sinabi ng ating mga Cricket na todo-tutok rin si Mr. E dahil nahaharap rin sa matinding laban ang isa sa kanyang mga anak na kasakukuyang alkalde sa kanilang bayan.

Kaya matindi ang kanyang apela at panalangin kay Lord na lahat silang mga kandidato sa loob ng kanilang pamilya ay manalo sa susunod na halalan dahil malaking kahihiyan kapag hindi sila sinuportahan n kanilang mga miyembro.

Isa rin sa mga napansin ng ating Cricket ay ang pagiging praning sa seguridad ni Mr. E.

Bukod sa dami ng kanyang security detail ay magastos rin ito sa dami ng mga sasakyan lalo’t puro mamahaling SUV pa ang kanilang gamit.

Ang religious leader na maaga at pasimpleng nagsimula na sa pangangampanya bilang partylist representative ay si Mr. E…as in Ewan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending