Senatoriable ‘nanligaw’ sa boy scout | Bandera

Senatoriable ‘nanligaw’ sa boy scout

Den Macaranas - January 18, 2019 - 12:10 AM

NAIMBYERNA ang ilang mga magulang at Boy Scouts dahil sa maagang pangangampanya ng isang nagbabalak na maging senador ng bansa.

Pinasok kasi ni Mr. Former Cabinet Secretary ang isang pagtitipon ng Boy Scouts of the Philippines sa isang bayan sa Central Luzon kamakailan.

Sa kalagitnaan ng kanilang group activities ay ipinatawag ang mga batang scouts na magtipon-tipon sa harap ng entablado dahil dumating na raw ang kanilang bisita.

Nagulat ang mga scouts dahil wala naman silang inaasahang bisita na dadalaw sa kanilang camp site.

Sinamahan pa ng personal ng mayor sa nasabing bayan ang naturang bisita na kalaunan ay umakyat sa entablado habang pinapatugtog ang kanyang campaign jingle.

Por diyos por santo, hindi pa nagsisimula ang campaign period pero init na init nang mangampanya itong ating bida na kilala sa pagkakaroon ng kakaibang “hairdo”.

Hindi nagtagal at ipinakilala na nga ang ating bida at mismong si mayor pa ang nag-introduce sa kanya.

Kagaad na pumagitna sa entablado ang pakaway-kaway na dating opisyal at talagang ninanamnam nya ang magandang music sa kanyang campaign jingle.

Inutusan pa ni mayor ang mga batang scouts na ikampanya sa kanilang pamilya ang ating bida.

Bukod sa pag-iikot sa mga lalawigan ay mayroon na ring jingle sa ilang radio station si Mr. government official na patunay lamang na may nakalaan na siyang pondo para sa halalan sa 2019.

Hindi biro ang gastos sa mga gustong maging senador pero napaghandaan na ito ng ating bida sa kwento ngayong araw kaya ngayon pa lang ay maingay na siya sa pagpapalutang ng kanyang pangalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dating kalihim na maagang nambobola este nangangampanya pala ay si Mr. H…as in Halimaw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending