INAMIN kagabi ni Pangulong Duterte na gustong-gusto na niyang umuwi sa Davao City ngunit hindi makapunta doon dahil sa travel ban na ipinag-utos ng anak na si Mayor Sara Duterte. “Hindi na nga ako makauwi sa Davao birthday ng apo ko, birthday ng partner ko, birthday ng anak ko, hindi ako makauwi. Bakit? Hindi ako […]
INIHAYAG ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagdesisyon si Pangulong Duterte na panatiliin sa kanyang pwesto si Health Secretary Francisco Duque III sa kabila naman ng panawagan ng 15 senador na magbitiw siya sa kanyang katungkulan. “Yes. The President has made a decision for Health Secretary Duque to stay put. He also expressed his appreciaion […]
TINIYAK ngayon ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig at kuryente habang epektibo ang lockdown sa Luzon. “The National Water Resources Board reports that it has given the full water allocation of 46 cubic meters per second to MWSS from the Angat Reservoir until April […]
AABOT sa 900,000 PCR testing kits at dalawang milyong rapid testing kits ang nakatakdang bilhin ng gobyerno matapos naman itong aprubahan ni Pangulong Duterte, ayon kay COVID-19 czar Secretary Carlito Galvez. “Ang malawakang testing at contact tracing ay napakahalagang milestone sa ating kampanya laban sa COVID-19. Ito ay naglalayong maihiwalay nating lubos ang mga suspected […]
NANAWAGAN si COVID-19 czar Carlito Galvez, Jr. sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines na paigtingin ang implementasyon ng enhanced community quarantine (EXQ) sa harap naman ng patuloy na mga paglabag sa lockdown ng mga residente. “Sa localized management ng pandemic crisis: nananawagan po ako sa […]
SINABI ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na maaaring umabot sa 8.3 milyon Pinoy ang posibleng mahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) base na rin sa pagtaya ng mga eksperto. “So, ang mga estimate na ipinakita sa amin, iyong isang estimate ang sabi nila is ang maaaring potential peak ng Pilipinas […]
INATASAN ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga mayor na mahigpit na ipatupad ang social distancing sa harap naman ng mabilis na pagtaas ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na umabot na sa halos 5,000 kaso. “Kayong mga mayors, huwag kayong maglaro kasi ang ayaw ninyo mag-social distancing mapipilitan ako puntahan kita […]
BINATIKOS ni Pangulong Duterte ang Amerika sa pang-eengganyo ng mga Pinoy nurse na magserbisyo sa kanila ngayong panahon ng pandemic. “Alam mo bakit ko sinabi ‘yan? Alam mo I’d like to address my — may pinapatamaan ako ang Pilipino mismo pati ‘yung mga countries that traditionally have been lukewarm or refusing to understand or causing […]