Kalabang noontime show ng Eat Bulaga taob sa rating dahil kina Alden at Yaya Dub | Bandera

Kalabang noontime show ng Eat Bulaga taob sa rating dahil kina Alden at Yaya Dub

Cristy Fermin - August 11, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

Naghahagalpakan ang mga kasambahay namin dahil sa ginawang aksiyon ni Yaya Dub nu’ng nakaraang Sabado para lang hindi siya mapilitang magpakasal kay Frankie Arenoli.

Ang akala nila’y parte ‘yun ng pinagpipistahang Kalyeserye ng All For Juan, Juan For All ng Eat Bulaga, wala silang kaalam-alam na totoong-totoo na pala ang kaganapan, nahilo talaga si Maine Mendoza.

Mismong si Jose Manalo ang nagkuwento na hindi pa kinukunan ang eksena nila sa altar ay nahalata na nitong namumutla si Yaya Dub.

Maya-maya ay nagsabi ang dalaga na nahihilo siya, ang dahilan kung bakit siya kumapit sa braso ni Jose, bago tuluyang bumagsak.

Naniwala na lang ang mga tumututok sa Kalyeserye na hindi palabas lang ang nangyari nang ipakita na sa News ang nangyari kay Yaya Dub,

Nagkagulo ang staff ng Eat Bulaga, itinakbo agad nila sa ospital ang dalaga, ilang oras din siyang nanatili sa emergency room ng Cardinal Santos Medical Center.

May lagnat ang bayan ngayon sa AlDub loveteam nina Yaya Dub at Alden Richards, kinikilig ang mga kababayan natin sa kanila, pinakahihintay ngayon ng mga tagahanga nila ang personal na pagkikita ng AlDub.

Sabi ng mga kaibigan namin, “Siguradong alarmado na ang katapat nilang noontime show ngayon. Iniiwanan na kasi sila ng Eat Bulaga sa rating, kaya isip pa more!!!” Oo nga naman!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending