Perpetual Help makakasukatan ang EAC | Bandera

Perpetual Help makakasukatan ang EAC

Mike Lee - August 11, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m. JRU vs Mapua
4 p.m. Perpetual Helpvs EAC
Team Standings: Letran (7-1); San Beda (6-1); Perpetual Help (5-2); Mapua (4-3); JRU (4-3); Arellano (4-3); EAC (2-5); St. Benilde (2-6); San Sebastian (2-6); Lyceum (1-7)

KIKILATISIN ng University of Perpetual Help kung tunay ba ang pagpapasikat ng Emilio Aguinaldo College sa pagtutuos ng dalawa sa 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

May two-game winning streak ang Generals matapos matalo sa naunang limang laro at ang huling panalo ay kinuha sa dating walang talo na Letran, 83-69.

“Mataas ang morale nila dahil sa nakuhang panalo kaya’t dapat ay matapatan namin ang kanilang intensidad,” wika ni Altas coach Aric del Rosario.

May 5-2 karta ang Altas at kung magwagi pa ay lalapit sila sa kalahating laro sa pumapangalawang San Beda (6-1).

Galing sa 76-66 panalo ang Perpetual Help sa Arellano University sa huling laro para wakasan ang dalawang dikit na kabiguan matapos ang apat na dikit na tagumpay.

Magandang tapatan ang magaganap sa pagitan ng mga imports na sina Bright Akhuetie at Hamadoue Laminou.

Si Akhuetie ay galing sa paglista ng 31 puntos sa huling panalo sa Chiefs habang si Laminou ay kumana ng 20 puntos, 24 rebounds at 4 blocks sa panalo sa Knights.

Si Earl Scottie Thompson ang magiging panuporta ni Akhuetie habang si Remy Morada ang magdadala ng laban sa mga locals ng Generals.

Bago ito ay pagtatangkaan ng Mapua ang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap sa Jose Rizal University sa ganap na alas-2 ng hapon.

Babalik na sa bench si Cardinals coach Fortunato Co pero bawas siya ng mahusay na manlalaro dahil sa tinamong right elbow injury ni CJ Isit.

Inaasahang sasamantalahin ito ng Heavy Bombers lalo pa’t ang mananalo sa kanilang tagisan ay pansamantalang sosolohin ang ikaapat na puwesto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay magkakatabla ang Mapua, JRU at Arellano sa 4-3 karta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending