Baha salot sa motor | Bandera

Baha salot sa motor

- September 12, 2012 - 04:13 PM

NAGDADAGSAAN pa rin ang mga tanong na may kaugnayan sa baha at kabilang na riyan ang ilang texter na nasalanta ng bagyo at habagat nitong mga nakaraang linggo.

Ayon sa texter na si Louis na may number na ….4044, ang scooter ay hindi  ginawa para lumusong sa baha, kahit pa sabihin na kasing taas lamang ito ng gutter.

Ang tubig ang pinakamalupit na kalaban ng scooter.

Sa Metro Manila, sila ang unang nawawala sa kalsada kapag nagsimula nang umakyat ang tubig sa kalsada.

Sa sandaling nadale ang iyong scooter ng tubig baha, asahan na may pagkakagasatahan ka sa mga susunod na araw.

Ganito ang nangyari sa isang balita sa kasagsagan ng ulan sa Bacoor, Cavite kamakailan lang.

Isang scooter na may sakay na dalawang lalaki ang bigla na lamang huminto ng ilusong nila ito sa baha.  Nabangga ang scooter ng     sasakyang nasa likuran nito.

Huminto ang scoter dahil inabot na ng tubig ang mababang makina nito.

Mas magastos ang pagpapagawa ng nabahang scooter kumpara sa motorsiklo dahil mas mataas ang block ng huli.

Mayroon ding mga motorsiklo na umaandar kahit walang air filter.

Ito ang dahilan kung bakit mayroong mga nagtutulak ng sidecar sa baha.

Aandar pa ang motorsiklo hangga’t hindi pa inaabot ng tubig ang block.

Mahalaga ring malaman na ang mga bagong modelo ng spark plugs para sa motorsiklo ay water resistant na bagama’t hindi maaari na matagal itong nakababad sa tubig.

Para naman sa katanungan ng texter…4044, palaging inirerekomenda na panatilihin ang bilis ng motorsiklo—huwag bibilisan o babagalan—kapag tumatawid sa baha.

Dapat ding mag-ingat sa baha dahil hindi mo makikita kung mayroong butas o lubak sa kalsada na maaaring makaapekto sa iyong balanse.

Kung babagsak ay mas malaking problema dahil baka mag-otso ang iyong gulong.

Mayroong argumento na mas makararating kaagad sa mas mataas na lugar kung bibilisan ang motorsiklo pero walang garantiya na hindi papasukin ng tubig ang air filter, spark plug at exhaust.

Kung tatakbo ng mas mabilis ay maaaring pasukin ng tubig ang makina kapag nabasa ang airfilter.

Ngayong inaasahan ang pag-ulan dahil pagiibayuhin ng bagyong Karen at Hanging Habagat ay palaging mag-ingat. —Leifbilly Begas

Anong sey mo sa riding-in-tandem?

NOONG isang linggo ay itinanong namin sa inyo kung ano sa palagay ninyo ang mabuting solusyon para mabawasan na ang mga krimen na dala ng mga riding-in-tandem na mga salarin.

Narito ang ilan sa mga tugon ng ating mga motor rider.

Ayon sa motor rider na si Jhun mula sa Dagupan City, ang nakikita niyang sagot para masolusyunan ang problema sa riding in tandem ay “dapat kung sino ang nagmamay-ari ng motor ay siya lang ang pwedeng magmaneho nito.”

At kung hindi naman umano maiiwasan na may kaangkas siya, dapat nakarehistro rin ito sa LTO.

Iba naman ang nakikitang solusyon ni William Añonuevo ng Malobago, Manito, Albay.

“Para sa akin dapat walang helmet kasi diyan nagtatago ang mga criminal,” ayon kay Añonuevo.

Maari ring ilagay sa helmet ang plate number ng motor at “dapat in bold letters and numbers,” dagdag pa nito.

Ganito rin ang nakikitang solusyon ng isa pang rider na may celphone number…7267

“Kung pwede lagyan nang numero ang helmet at dapat maging istrikto rito ang LTO at ang mga traffic enforcer.”

Ayon pa sa isang rider mula naman sa Iloilo city, masosolusyunan ang problema sa riding-in-tandem kung papayagan ng mga lokal na pamahalaan na payagang huwag isuot ang helmet “within the city” para madaling makilala ang mga motor rider.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Editor:  Ikaw, baka merong kang maibibigay na suhestyon para masolusyunan ang problema sa riding-in-tandem? I-text ang pangalan, edad, lugar ang mensahe sa 09178052374.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending