Jennylyn nagpapakipot pa kay Dennis, ayaw nang masaktan | Bandera

Jennylyn nagpapakipot pa kay Dennis, ayaw nang masaktan

Reggee Bonoan - August 10, 2015 - 02:00 AM


dennis trillo

Inamin sa amin ng taong malapit kay Jennylyn Mercado na hindi pa nito binabalikan ang ex-boyfriend na si Dennis Trillo

“Hindi pa po sila nagkakabalikan, sabi nga po ni Jen, nag-iisip na talaga siya ngayon. Career muna ang priority niya at si Jazz (anak ng aktres kag Patrick Garcia), wala na pong iba pa, alam na niya ang mangyayari kapag lovelife ang inuna niya,” sabi sa amin.

Pero mahal pa ba ni Jennylyn si Dennis, “Hindi ko po alam pero kapag nagkikita po sila sa taping, pormal po si Jen at hindi naman nakikipagbiruan kay Dennis.”

Halos ganito rin ang sabi sa amin ng taga-GMA kapag may taping ang dalawa sa programa nila.
Pero bakit nu’ng presscon ng bagong programa nina Jen at Dennis sa GMA ay kung anu-anong sagot ng aktor na tila nagpapahiwatig na sila na ulit ng aktres matapos nga itong mag-dialogue ng, “love is lovelier the second time around.”

So, nilalandi lang niya si Jennylyn at baka sakaling kumagat? Ang kaso dedma ang aktres dahil naging pormal daw ito sa nasabing presscon.

At dahil sa sobrang busy ng aktres ay sa taping ng programa na lang niya nakaka-bonding ang anak na si Alex Jazz dahil isinasama niya ang bata, “Dinadala ko na nga lang si Jazz sa trabaho, ganu’n po ka-exag (exaggerated) ha, umuuwi lang ako para lang maligo,” sabi nito sa entertainment press.

At sa tanong kung anong sabi ni Alex Jazz kapag nakikita niya si Dennis, “Hindi pa po siya nanonood pag dinadala ko po siya sa taping, hindi ko siya dinadala sa location.”

As of now ay sobrang pressured si Jennylyn sa titulong Sexiest Woman ng isang magazine kaya talagang work out siya kapag napaparami ang kain niya, “Mahirap ‘to, ha, grabe talaga, pero sapat ang pagkain ko, binabawi ko na lang sa workout.

“Kahit ano, kinakain ko na. Kung anong meron diyan, kinakain ko, basta kailangan ko lang siyang pagtrabahuhan,” katwiran ni Jen.

In fairness, binabawi ng aktres sa kain sabay workout dahil kailangan niyang magpalakas dahil sabay-sabay ang taping at shooting niya sa GMA 7 at dalawang pelikula na “Walang Forever” kasama si JM de Guzman na entry sa Metro Manila Film Festival at ang “PreNup” kasama si Sam Milby mula sa Regal Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending