Enchong sa girlfriend: Ibang klase siya! | Bandera

Enchong sa girlfriend: Ibang klase siya!

Ervin Santiago - August 09, 2015 - 02:00 AM

ENCHONG DEE 0829

PAGMAMAHAL sa pamilya ang aral na ituturo ng Kapamilya chinito heartthrobs na sina Richard Yap at Enchong Dee ngayong Linggo sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito.

Sa kanyang pagpapatunay na may kinalaman si Mr. Chua (Atoy Co) sa mga krimen sa kanilang lugar, malalagay sa panganib ang buhay ni Chairman Tai (Richard) nang mahuli siya nito at gawing isang unggoy.

Ano ang gagawin ni Diego (Enchong) para mailigtas si Chairman Tai mula sa kapahamakan? Isasakripisyo ba niya ang kapangyarihang ipinamana sa kanya para mailigtas ang tunay niyang ama?

Kasama rin nina Richard at Enchong sa kanilang Wansapanataym special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, David Chua, Mutya Orquia at Clarence Delgado.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco Domingo, at direksyon ni Erick Salud. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng pakikipaglaban nina Richard at Enchong sa kasamaan sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito ngayong Linggo na sa ABS-CBN.

Samantala, mukhang seryoso na nga ang relasyon ni Enchong sa kanyang model-girlfriend na si Samantha Lewis. Marami ang kinilig sa dalawa nang pumasok ang young actor sa Pinoy Big Brother 737 bilang celebrity housemate.

Talagang hinatid pa nga ni Samantha ang boyfriend bilang pagsuporta niya rito. Marami rin ang nakapansin na super close na ang dalaga sa magulang ni Enchong.

Paulit-ulit din sinabi ni Enchong na maligayang-maligaya siya sa piling ng kanyang GF, “Oo, ibang klase siya. Unang-una, it’s rare that you meet someone who understands what you do.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending