Pension di na pwedeng makuha | Bandera

Pension di na pwedeng makuha

Liza Soriano - August 08, 2015 - 03:00 AM

AKO ay nag iisang anak lamang at hindi na rin ako nagkapag-asawa dahil halos ibinuhos ko ang oras ko sa pag-aalaga sa aking ina. Kamakailan lamang ay iniwan na niya ako dahil sumakabilang buhay na siya.

Gusto ko lang sana na itanong kung anong mga benepisyo ang pwede kong makuha . Ang kanyang SSS number ay …134- 1, ang pangalan niya ay Salve Panet. Ask ko rin ang mga kinakailangang requirements o documents na maaaring i- submit. Sana ay matulungan ako ng inyong column na Aksyon Line.

Sumasainyo,
Jared

REPLY: Base sa data ng Social Security System (SSS), lumalabas na taong 1993 pa nang unang makatanggap ng pension ang iyong ina.

At ngayon lamang July 15, 2015 ay nasa record na rin nang siya ay mamatay.

Gayunman, luma-labas din na wala pang nagki-claim ng burial o funeral benefits sa halagang P20,000.

Kung buhay pa ang iyong ama ay maaaring i transfer sa kanya ang pension ng iyong ina ngunit kung patay na rin ay hindi na maaaring maipagpatuloy ang pension.

Maliban na lamang kung ikaw ay wala pang 21 years old pababa ay maaari kang makatanggap ng monthly
allowance.

Para sa pag claim ng funeral benefits, isumite ang death certificate, resibo at ID kung sino ang nagbayad sa funeral.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Ms.Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
Social Security
System (SSS)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending