San Beda nanatili sa ikalawang puwesto | Bandera

San Beda nanatili sa ikalawang puwesto

Mike Lee - August 07, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
12 n.n. SSC vs Lyceum
2 p.m. EAC vs Letran
4 p.m. MIT vs St. Benilde

HINDI napigilan ng depensa ng Jose Rizal University sina Arthur dela Cruz, Roldan Sara at Ola Adeogun sa huling yugto para kunin ng San Beda ang 88-69 panalo para manatiling nasa ikalawang puwesto sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Angat lamang ang Red Lions sa 58-56 nang pangunahan ng tatlong nabanggit na manlalaro ang 20-10 palitan para lumobo ito sa 14 puntos, 78-64.

May season-high 29 puntos bukod sa 9 assists, 6 rebounds at 4 steals si Dela Cruz, si Sara ay mayroong 17 puntos at si Adeogun ay gumawa ng 16 puntos para ibigay sa five-time defending champion San Beda ang ikaanim na panalo sa pitong laro.

“JRU is a defensive team but one good thing about it is we managed to get away. We learned a lot in this game and it’s a continuing process,” wika ni Red Lions coach Jamike Jarin.

Malaking bagay din ang pagkakalimita ni Bernabe Teodoro sa tatlong puntos lamang sa second half matapos ang kinamadang 13 puntos sa unang dalawang quarters para sa 4-3 baraha.

Inangkin ni Bright Akhuetie ang 12 sa huling 14 puntos ng Perpetual Help Altas para mangunahanang 76-66 tagumpay laban sa Arellano Chiefs sa isang laro.

Tumapos si Akhuetie taglay ang 31 puntos upang tapusin din ng tropa ni Altas coach Aric Del Rosario ang dalawang sunod na pagkatalo para sa 5-2 karta.

“We just went back and practice and correct our mistakes,” wika ni Akhuetie na may 16 puntos sa huling yugto.

Ikalawang sunod na pagkatalo tungo sa 4-3 karta ang nalasap ng Chiefs at nanlamig sila sa hulng 7:29 ng labanan para masayang ang 56-all iskor.

Samantala, hindi makakasama ng Mapua at Letran sa kanilang laro ngayon ang kanilang mga coaches na sina Fortunato Co at Aldin Ayo matapos patawan ng one-game suspension dahil sa conduct unbecoming at disrespectful to game officials.

Si Co ay may awtomatikong suspensyon matapos ang magkasunod na technical fouls sa laro laban sa Lyceum. Ang ikalawang technical foul ay ibinigay matapos hubarin nito ang kanyang uniporme bilang protesta sa tawag ng mga referee.

Si Ayo naman ay naunang nabigyan ng warning ni commissioner Arturo Cristobal sa laro laban sa San Sebastian nang bigyan ng salamin ang mga referees.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuluyan siyang sinuspinde ni Cristobal dahil sa paghagis ng silya patungong dugout bilang pagtutol sa ikalimang foul ni McJour Luib sa laro laban sa Pirates.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending