Wala pang katulong na lumalayas kina Grace Poe | Bandera

Wala pang katulong na lumalayas kina Grace Poe

Cristy Fermin - August 07, 2015 - 03:00 AM

 

GRACE POE

GRACE POE

Kinakabog ngayon ng mundo ng pulitika ang mga isyung showbiz. Mas mainit ang mga isyung pinagpipistahan ngayon tungkol sa buhay ng mga pulitiko kesa sa mga artista.

Kani-kanyang birahan din sila, kani-kanyang labasan ng mga itinatagong baho sa publiko, mas matindi pa nga sa mundo ng pulitika dahil may kasahog pang pagpapatayan sa pag-aagawan nila sa inaasintang puwesto sa gobyerno.

Sa showbiz ay hanggang salitaan lang, puro intrigahan lang, walang ibinubuwis na buhay sa mundo ng mga artista. Sa mundo ng pulitika ay meron, matindi ang labanan nila, nababalitaan na lang natin na pinatay na pala si ganito at ganu’n.

Pero ang pinakainaasinta ngayon ay si Senadora Grace Poe Llamanzares. Kung anu-anong kuwento ang lumulutang ngayon tungkol sa kanya sa social media. Mga kuwentong walang basehan at puro kathang-isip lang.

Tulad na lang ng kuwentong nambubugbog daw siya ng kasambahay. Dalawang bahagi pa ng istorya ng paninira sa senadora, isang sa Amerika, isang nang magdesisyon na silang dito tumira ng kanyang pamilya.

Una, wala silang kasambahay nu’ng nasa Amerika pa sila. Si Senadora Grace at ang kanyang mister lang ang halinhinang nagpalaki sa kanilang mga anak at gumawa ng mga trabahong-bahay. Wala silang kasambahay sa ibang bansa.

Nang magbalik-Pilipinas naman sila, ang mga kasambahay na una nilang nakasama ang kasama pa rin nila magpahanggang ngayon, nagtatagal sa kanila ang mga ito at walang umaalis sa kanilang poder.

Umiinom siya kapag may okasyon, beer o kaya’y wine pero ano ang kuwento, lasengga ang senadora!

Nakakita lang ng bulate ay naging sawa na.

‘Yan ang mundo ng pulitika sa ating bayan. Onli in da Pilipins!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending