Maricel umapir sa 1st Gay Congress; isinulong ang karapatan ng mga beki | Bandera

Maricel umapir sa 1st Gay Congress; isinulong ang karapatan ng mga beki

Reggee Bonoan - August 06, 2015 - 02:00 AM

maricel soriano

SI Maricel Soriano ang unang tinaguriang “babaeng bakla” sa showbiz kaya naman malapit ang mga beki sa kanya.

Kaya nang imbitahan si Maricel sa ginanap na “Keri Beks: 1st National Gay Congress” ay hindi na siya nagdalawang isip pa kaya naman nagulat ang mga bading na nasa loob ng Araneta Coliseum noong Martes ng gabi nang tumambad sa entablado ang aktres para sa production number niyang “I Am What I Am” at “I Will Survive.”

In fairness, bongga ang nasabing production number ni Marya at talagang malaki na ang ipinagbago niya, medyo tumaba na siya at masarap na uling kausap.

Huling nakapanayam namin si Maricel noong 2013 pa sa presscon ng huling pelikula niyang “Momzillas” kasama si Eugene Domingo na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sabi ni Maricel, kaya raw siya pumayag mag-guest sa “Keri Beks Gay Congress” at dahil, “Napakasaya, alam n’yo naman kapag mga beki, walang dull moment.”

Ang maipapayo naman ni Maricel sa gay community ay, “Dapat lagi lang tayong masaya, huwag mawawalan ng pag-asa. Kasi ang mundo, umiikot ‘yan, dapat magkaroon ng equal rights kasi tao rin naman sila.”

Kaagad nang kinuha si Maricel ng handler niya kaya hindi na natanong kung may plano siyang gumawa uli ng pelikula o magbida sa isang teleserye. Napagod daw kasi ang aktres sa production number niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending