Matteo hindi na maalala kung sa pisngi o sa lips hinalikan si Sarah
Hindi pala aware si Matteo Guidicelli kung sa labi o sa pisngi niya hinalikan ang dyowang si Sarah Geronimo nang bigyan siya nito ng power hug sa Ironman triathlon event sa Cebu kamakailan.
Kumalat sa social media ang mga larawan nila habang magkayakap. Sinalubong kasi ng Pop Princess si Matteo sa finish line ng Cobra Ironman 70.3 at hinalikan naman nito ang singer-actress sa sobrang tuwa.
Kinilig ang fans and supporters nina Sarah at Matteo sa nakita nilang mga pictures. At sa nakaraang episode nga ng Aquino and Abunda Tonight kamakailan, tinanong ng host na si Boy Abunda si Matteo kung sa labi nga ba niya hinalikan si Sarah.
“No. It was the cheek!” natatawang sagot ni Matteo. Hindi ba ito lips to lips? Sagot ni Matteo, “I think. I was really tired at (that) moment, so I don’t really remember.”
Sey naman ng binata, ang pagpunta ni Sarah sa nasabing event ay pagtupad sa pangako ng Popstar Princess sa kanya, “She promised me she was gonna go and she fulfilled that promise.
“That’s why, like I said, I didn’t prepare for this race, so it was like one of my worst races but my best finish,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.