Korina handang magsakripisyo para kay Mar
NABASA namin nang buung-buo ang emosyonal na Instagram post ng broadcast journalist na si Korina Sanchez patungkol sa ginawang pag-endorso ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang asawang si DILG Sec. Mar Roxas.
Bihirang-bihira kasing mag-post si Ate Koring sa IG ng mga sentinmental message, pero nito ngang magdeklara na ang kanyang asawa na tatakbo bilang pangulo sa 2016, hindi niya napigilan ang kanyang emosyon.
Ilang oras bago in-announce ni P-Noy ang pag-endorso kay Sec. Mar, nag-post si Ate Koring ng snapshot ng dalawang postcards kung saan makikita ang palitan nila ng simpleng love notes ng asawa.
Ayon sa news anchor-TV host, alam niya kung gaano kabigat ang responsibilidad na kaakibat ng pagtakbo ni Sec. Mar sa presidential elections sa susunod na taon.
“There are many big ideas, big words, big dreams that will be said today. Let me share with you two postcards taped on our bathroom mirror for years now.
“No matter what the bigness of this world, it will still and always be the simple and unwavering truths that will prevail—Presidency or otherwise,” ani Ate Koring sa kanyang IG posts.
Narito ang kabuuan ng kanyang mensahe: “It’s a big day today… for a lot of people. I hear it is a historic passing of the torch – from one like-minded to another, between kindred spirits and who share one heart for the Filipinos.
“Amidst differences, ubiquitous intrigue, power play, creeping doubts and fears, it must still and always be country above self.
“In a country where reluctance seems to be a primordial credential, there is no reluctance in my husband Mar. He is ready for the challenge, willing to serve hand and foot as he has, and able to bring this country to as close to where it deserves to be as he can take it.
“Honor here is not in declining power. Honor here is in accepting sacrifice.” Samantala, bukod nga kina Mother Lily Monteverde, ilan pa sa mga kilalang celebrities na nagpunta sa nakaraang event ng LP ay ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa, Rosa Rosal, Alfred Vargas at Dennis Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.